04/06/2026
NANINDIGAN SI REMULLA: ‘AKO ANG ITINULAK’
June 4, 2026- Nanindigan si DILG Secretary Jonvic Remulla na siya ang itinulak sa naganap na tensyon sa Senado nitong Huwebes ng umaga na kinasangkutan nina Senador Robin Padilla at Senadora Pia Cayetano.
Sa panayam sa media matapos ang insidente, sinabi ni Remulla na naglalakad lamang umano siya nang bigla siyang itinulak, taliwas sa mga alegasyong siya ang humarang sa pagpasok ng ilang senador at resource persons sa Senado.
Ayon pa sa kalihim, may mga CCTV at iba pang ebidensyang maaaring maglinaw sa buong pangyayari.
Ipinaliwanag din ni Remulla na nasa Senado siya bilang bahagi ng pagpapanatili ng seguridad sa gusali, kasunod umano ng kahilingan ni Sen. Sherwin Gatchalian na tiyaking maayos ang seguridad sa gitna ng nagpapatuloy na sigalot kaugnay ng pagdinig sa isyu ng flood control projects.
Nang tanungin kung intensyon ba niyang harangin sina Sen. Robin Padilla at Sen. Pia Cayetano, mariin niya itong itinanggi at sinabing, “How can I do that? I was alone.”
Mas maaga, nagkaroon ng komosyon sa Senado nang magkasalubong ang kampo nina Remulla, Padilla at Cayetano habang papasok sa gusali ang 18 dating Marines na nakatakdang dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ayon sa mga ulat, nagkaroon ng tulakan at mainitang komprontasyon bago tuluyang nakapasok ang grupo sa Senado.
Ang balitang ito ay hatid sa atin ng Manny Pay ang bagong digital wallet na katulad ng GCash o Maya, na maaaring gamitin para sa online payments, cash in, cash out, at loan services.
👀 Abangan ang susunod na round ng giveaways at papremyo!
📥 To download, click the link below. 👇👇👇 https://mannypay.ph/r/NYOR