09/06/2026
๐ฎ๐ฌ,๐ฌ๐ฌ๐ฌ ๐ฆ๐๐๐ข ๐ก๐ ๐ก๐๐ ๐ฅ๐๐๐ ๐ ๐จ๐๐ ๐ก๐๐ ๐ข๐๐๐๐๐๐ก๐ง๐๐ ๐ ๐๐ก๐๐ข๐ฅ๐ข ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐ข๐๐ข๐๐๐ก๐ข๐ฆ
Pormal na tinanggap ng NFA Bohol ang pagdating ng MV Rosemarie V mula sa NFA Occidental Mindoro sa Pantalan ng Tagbilaran City, na may dalang 20,000 sako ng bigas bilang karagdagang buffer stock para sa lalawigan.
Dumalo ang mga miyembro ng Branch Dispersal Committee upang saksihan ang pagbubukas ng mga selyo ng kargamento bilang bahagi ng itinakdang proseso ng beripikasyon at pagtanggap ng suplay. Matapos nito ay agad na isinagawa ang mga kinakailangang operasyon para sa pagbaba at paglipat ng kargamento tungo sa mga bodega ng ahensya.
Ang pagdating ng nasabing suplay ay bahagi ng patuloy na mandato ng NFA na mapanatili ang sapat na buffer stock at matiyak ang kahandaan sa pagtugon sa mga pangangailangan sa seguridad ng pagkain sa lalawigan ng Bohol.
๐บ๐ #๐ฉ๐๐๐๐๐๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐
#๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐จ๐๐ #๐ต๐๐๐ต๐ญ๐จ
#๐ด๐๐๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐ป๐๐๐๐๐๐๐๐
๐ฏ๐๐๐
๐๐ ๐๐ #๐บ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ป๐๐๐๐ ๐๐ #๐บ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ท๐๐๐๐