Dilaáb Bohol for Kiko-Bam

Dilaáb Bohol for Kiko-Bam Ibalik ta sa Senado Kiko-Bam!

29/04/2025
29/04/2025

Kahit walang bilyon-bilyong pisong political machinery, tumindig ang dating senador at senatorial candidate na si Kiko Pangilinan sa harap ng mga Bulakenyo noong Abril 8, sa Malolos City Hall Amphitheater at inanyayahan silang patunayan na ang kanyang prinsipyo at track record lamang ay sapat para muling mahalal sa Senado.

"Nandito ako ngayon, naninikluhod na humihingi ng inyong suporta... Sama-sama nating patunayan na may laban ang ating prinsipyo, ang ating paninindigan, sa bilyong piso ng ating mga katunggali," wika niya.

Ang dating senador, na nagkampanya sa mga bayan ng Bocaue, Malolos, at Sta. Maria nang mas maaga sa araw na iyon, ay nagdaos ng mini rally sa gabi upang ibahagi sa mga Bulakenyo ang kanyang mga plano sakaling muling makabalik sa Senado.

Sinabi ni Pangilinan na kung bibigyan ng pagkakataon, itutulak niyang muli ang implementasyon ng Sagip Saka Act para protektahan ang kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda, at pababain ang tumataas na presyo ng pagkain.

Tinalakay din niya ang kanyang panukalang "Libreng Almusal" program na tutugon sa mataas na dropout rate at lumalawak na learning gap sa mga pampublikong paaralan mula kinder hanggang senior high school.

"Sa aking libreng almusal mula kinder hanggang Grade 12, kukunin ang hanggang kalahati ng school feeding budget para bumili sa ating mga magsasaka at mangingisda nang direkta. Magiging sariwa na ang pagkain at masustansya pa," paliwanag niya.

Ang Sagip Saka Act ay patunay sa pangako ni Pangilinan noong 2016. Ito ay naging batas noong 2019.

Para kay Pangilinan, ang kanyang prinsipyo at track record sa serbisyo publiko lamang ang sandata niya sa laban para sa Senado, habang ikinukwento kung paano gumugol na ng bilyong piso sa kampanya ang kanyang mga katunggali.

"Hindi ko kaya at ayokong tapatan ang inyong magiging matamis na 'oo' sa ganyang paraan. Dalawang bagay—una, ginagalang ko kayo. Naniniwala ako na isasama n'yo ako sa balota dahil sa aking mga nagawa, sa aking pagkatao, at sa aking kakayahan—hindi dahil sa bilyong piso," pahayag niya.

"Pangalawa, ginagalang ko rin ang aking sarili. Naniniwala ako na ang pamumuno ay pagbibigay ng sarili, ang pag-alay ng pinakawagas na pagmamahal," dagdag pa niya.

Kinilala ng dating kalihim ng food security ang papel ng Bulacan sa tatlong termino niya sa Senado dahil siya ay inihalal ng probinsya sa lahat ng tatlong eleksyon.

Bilang kapalit ng tiwalang ibinigay sa kanya ng mga Bulakenyo, ipinagmamalaki ni Pangilinan na hindi kailanman nadawit ang kanyang pangalan sa anumang alegasyon ng korapsyon.

"Hindi tayo pumayag na masangkot sa anumang kasong anomalya," giit niya, at ibinahaging kahit noong 24 anyos pa lamang siya bilang konsehal ng Quezon City, nanatili siyang matatag sa kanyang prinsipyo.

At kahit halos siguradong mananalo noong 2022 senatorial elections, ginawa ni Pangilinan ang ultimate sacrifice na tumakbo kasama ang dating pangalawang pangulo na si Leni Robredo, sa pag-asang maiangat sa Malacañang ang taong pinaniniwalaan niya.

Ibinahagi niyang madali lang ang mga sakripisyong ito dahil sa pagmamahal niya sa kanyang mga anak at sa bansa.

"Mahal ko ang aking mga anak. Gusto ko silang lumaki sa isang bayang maunlad, marunong makipagkapwa-tao, at malusog sa katawan, isip, salita at gawa. Pangarap ko 'yan para sa lahat ng Pilipino," wika niya.

"Kaya ayoko na ng 'sana all.' Kung mamarapatin, dapat all. Dapat all kumakain ng tama. Dapat all kumikita ng tama at sapat. Dapat all may mabuting kalooban. Dapat all may mabuting asal," dagdag pa niya.

Sa kanyang pagtatangkang makabalik sa Senado, sinabi na ni Pangilinan na handa siyang makipagtulungan sa kahit anong political spectrum para maisakatuparan ang kanyang adhikaing paunlarin ang buhay ng ordinaryong Pilipino.

"Ang pagkain, hindi dapat maging pribilehiyo, kundi isang karapatan. Prayoridad nating pababain ang presyo ng mga pagkain at handa tayong makipagtulungan kahit kanino. Dahil walang kulay ang gutom. At walang kulay ang solusyon," pagwawakas niya.


29/04/2025
29/04/2025
29/04/2025

Hindi sumablay ang track record ni Kiko Pangilinan sa paglilingkod sa bayan.

Nakapagbigay siya ng limandaang bangka sa mga mangingisda para sa kanilang kabuhayan. At pag nakabalik siya sa Senado sa tulong ninyo ay isusulong niya ang hiwalay na departamento para sa mga mangingisda upang matutukan ang kanilang mga pangangailangan.



29/04/2025
29/04/2025

GOOD NEWS! TOP 11 NA TAYO! PUSH PA NATIN 'TO!

Sa natitirang dalawang linggo, dobleng sipag at kayod pa tayo para mangampanya at mangumbinse para iboto tayo sa Mayo!

Maraming salamat sa mga patuloy na sumusuporta sa atin para ipanalo ang Libreng Kolehiyo at Siguradong Trabaho para sa bawat pamilyang Pilipino!

SIGURADUHIN NA NATIN ANG ATING PANALO!


🇵🇭

27/04/2025

#5 sa balota, AQUINO, BAM!

Sa natitirang 16 days ng kampanya, sisiguraduhin nating mas DOBLE ANG PAGSUSUMIKAP para ipanalo ang Libreng Kolehiyo at Siguradong Trabaho para sa bawat pamilyang Pilipino!


🇵🇭

Address

285 Carlos P. Garcia North Avenue
Tagbilaran City
6300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dilaáb Bohol for Kiko-Bam posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share