I N V I C T U S

I N V I C T U S Serbisyo Publiko na may Integridad- Tatak Duterte!

Migz Zubiri may patutsada sa mga bashers!"At sa mga bashers, salamat na rin at napapansin ninyo kami. Kahit paano, ang d...
13/06/2026

Migz Zubiri may patutsada sa mga bashers!

"At sa mga bashers, salamat na rin at napapansin ninyo kami. Kahit paano, ang dala namin doon ay personal na tulong para sa mga taong nangangailangan."

Tingin ni Usec Claire Castro sa 18 dating mga Sundalo.
13/06/2026

Tingin ni Usec Claire Castro sa 18 dating mga Sundalo.

13/06/2026

BBM recognized Gatchalian as Senate President Pro Tempore

"Hindi ninyo ako mapapatahimik!"Nanindigan si dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson na hindi siya uurong sa kanya...
12/06/2026

"Hindi ninyo ako mapapatahimik!"

Nanindigan si dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson na hindi siya uurong sa kanyang panawagan para imbestigahan ang umano’y anomalya sa flood control projects sa kabila ng kinakaharap niyang cyberlibel case.

Ayon kay Singson, naniniwala siyang may pagtatangkang takutin at siraan siya matapos niyang hilingin ang masusing pagsisiyasat sa paggamit ng flood control funds.

“Hindi ba kapansin-pansin na habang lumalabas ang mga detalye ng korapsyon, ang mga nagsasalita tungkol dito ang siyang pinatatahimik at sinasampahan ng kaso?”

Bagama’t naharap sa kasong cyberlibel at nakapagpiyansa ng ₱60,000, iginiit ni Singson na hindi nito mapipigilan ang kanyang paghahanap ng katotohanan.

“I will not be silenced. No arrest, no case, and no amount of political pressure will stop me from pursuing the truth and uncovering who the real mastermind is behind this scandal.”

(Hindi n’yo ako mapatatahimik. Walang pag-aresto, kaso, o anumang uri ng pampulitikang presyur ang pipigil sa akin sa paghahanap ng katotohanan at pagtukoy kung sino ang tunay na mastermind sa likod ng iskandalong ito.)

"Hindi duwag si Gov. Chavit Singson"Nilinaw ni Former COA/Comelec Commissioner Atty. Rowena Guanzon na hindi umano dapat...
12/06/2026

"Hindi duwag si Gov. Chavit Singson"

Nilinaw ni Former COA/Comelec Commissioner Atty. Rowena Guanzon na hindi umano dapat ilarawan na inaresto si dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson sa gitna ng cyberlibel case na kinahaharap nito.

Ayon kay Atty. Guanzon, kusa itong sumuko sa mga awtoridad.

Aniya:
“Hindi duwag si Gov Chavit Singson. Hindi sya inaresto, sya ang kusa nag surrender sa police.”

Ang pahayag ay kasunod ng mga ulat na si Singson ay inaresto umano ng mga awtoridad batay sa warrant kaugnay ng kasong cyberlibel. Kalaunan ay nakapagpiyansa siya ng ₱60,000 at nakalaya rin sa parehong araw.

Nagpahayag din si Guanzon ng pangamba sa epekto ng mga cyberlibel case sa mga nagsasalita laban sa umano’y katiwalian sa gobyerno.

“Cyberlibel ang charge. Pag ganito lagi wala ng magsasalita tungkol sa mga katiwalian sa gobyerno.”

“Saan na ang Freedom of Speech?”

MATINDING GALIT NA UMANO ANG NARARAMDAMAN SA AFP”Nagbigay ng reaksyon si retired Major General Romeo Poquiz sa pahayag n...
11/06/2026

MATINDING GALIT NA UMANO ANG NARARAMDAMAN SA AFP”

Nagbigay ng reaksyon si retired Major General Romeo Poquiz sa pahayag ni Senador Ping Lacson tungkol sa umano’y lumalalim na pagkadismaya sa loob ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nauna rito, sinabi ni Lacson:

“The frustration within the AFP has reached the battalion level.”

(“Ang pagkadismaya sa loob ng AFP ay umabot na hanggang sa antas ng batalyon.”)

Bilang tugon, mas diretsahan ang naging pahayag ni General Poquiz batay sa kanyang impormasyong natatanggap.

Aniya:

“Hindi na frustration. Matinding galit na. At hindi lang sa battalion level—hanggang pinakamababang hanay na.”

Ang pahayag ay maituturing na pagsang-ayon at pagpapalalim sa impormasyon ni Lacson, na nagsabing lumawak na ang pagkadismaya sa loob ng AFP. Para kay General Poquiz, mas mabigat pa umano ang sitwasyon dahil hindi na lamang ito frustration kundi matinding galit na nararamdaman hanggang sa pinakamababang antas ng organisasyon.

Sa gitna ng nagpapatuloy na sigalot sa liderato ng Senado, ibinida ni Sen. Sherwin Gatchalian ang pagpirma niya sa payro...
10/06/2026

Sa gitna ng nagpapatuloy na sigalot sa liderato ng Senado, ibinida ni Sen. Sherwin Gatchalian ang pagpirma niya sa payroll checks ng mga empleyado ng Mataas na Kapulungan at iginiit na kinikilala na siya ng mga financial institution bilang awtorisadong lumagda para sa mga transaksyon ng Senado.

Sa isang social media post nitong Miyerkules, ibinahagi ni Gatchalian ang mga larawang nagpapakita sa kanya habang nilalagdaan ang mga payroll documents para sa pagpapalabas ng suweldo at benepisyo ng mga kawani ng Senado.

Ayon kay Gatchalian:

“Ngayong araw, nilagdaan na natin ang payroll checks sa Land Bank of the Philippines at inaprubahan ang paglabas ng sweldo at benepisyo ng ating mga kawani sa Senado.”

Dagdag pa niya:

“Kinilala na tayo ng mga financial institution bilang authorized signatory para sa financial transactions ng Senado.”

Lumabas ang pahayag ni Gatchalian habang nagpapatuloy ang alitan sa liderato ng Senado kasunod ng kontrobersiyal na reorganisasyon noong Hunyo 3, kung saan sa kuwestiyonableng quorum ng 12 senador, nahalal siyang Senate President Pro Tempore at itinalagang Acting Senate President ng kampong sumusuporta sa reorganisasyon .

Patuloy namang kinukuwestiyon ni Senate President Alan Peter Cayetano ang legalidad ng naturang mga hakbang at naninindigang siya pa rin ang lehitimong pinuno ng Senado.

"Petisyon na ideklarang VALID QOURUM ang presensya ng 12 Senador IBINASURA ng KORTE SUPREMA"Ibinasura ng Korte Suprema a...
10/06/2026

"Petisyon na ideklarang VALID QOURUM ang presensya ng 12 Senador IBINASURA ng KORTE SUPREMA"

Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong inihain ni g**o at political commentator John Barry Tayam na humihiling na ideklarang valid quorum ang presensya ng 12 senador sa kontrobersyal na sesyon ng Senado noong Hunyo 3, 2026.

Sa press briefer na inilabas ng Office of the Spokesperson ng Korte Suprema noong Hunyo 10, sinabi ng SC En Banc na ibinasura ang kaso dahil sa kawalan ng legal standing ng petitioner.

Ayon sa Korte Suprema:

“The SC dismissed the petition filed by John Barry T. Tayam (Tayam) for lack of legal standing.”

Ipinaliwanag pa ng Mataas na Hukuman:

“The SC ruled that Tayam failed to show that he suffered, or was at imminent risk of suffering, any direct injury from the actions he challenged.”

Ang petisyon ni Tayam ay may kaugnayan sa kontrobersyal na sesyon ng Senado noong Hunyo 3 kung saan idineklara ng kampo nina Gatchalian na may quorum at nagpatuloy sa reorganisasyon ng liderato ng Senado.

Sa petisyon, hiniling ni Tayam sa Korte Suprema na ideklarang valid quorum ang presensya ng 12 senador sa naturang sesyon.

04/06/2026

2 Senador, Huli CAM!
Nakita ang 2 senador na sakay sa Chopper ni Zaldy Co.

04/06/2026

Dating PNP Chief Torre, Dawit!

Isiniwalat ng mga dating sundalo na tinatakot sila ni dating PNP Chief Nicolas Torre upang patahimikin at huwag ng magsalita at huwag suportahan ang naunang salaysay ni Orly Regala Guteza na naglalahad sa mga malemaletang pera na galing sa Flood Control Anomalya.

Dagdag din ng mga dating sundalo na binigyan din sila ng 50,000 pesos at mga bagong celphone.

Address

Cogon
Tagbilaran City

Telephone

+639508859016

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when I N V I C T U S posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to I N V I C T U S:

Share