23/08/2026
NASA LARAWAN || DRUG SYMPOSIUM AT RECRUITMENT CAMPAIGN
Noong Agosto 22, 2026, matagumpay na isinagawa ng BJMP Tagaytay City Jail – Female Dormitory ang Drug Symposium at Recruitment Campaign sa Cavite State University (CvSU) – Main Campus.
Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kamalayan ng mga kabataan hinggil sa masamang epekto ng ilegal na droga, mahikayat ang aktibong pakikilahok sa pagpapanatili ng ligtas at drug-free na pamayanan, at maipakilala ang mga oportunidad sa paglilingkod-bayan sa pamamagitan ng BJMP Recruitment Campaign.
Sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga institusyong pang-edukasyon, isinusulong ng BJMP ang isang ligtas, disiplinado, at may malasakit na kabataan, habang binibigyang-diin ang kahalagahan ng tamang pagpapasya, responsibilidad, at paglilingkod sa bayan.
Maging mulat. Maging responsable. Maging bahagi ng solusyon.
Say NO to Illegal Drugs. Say YES to a Life of Service!
Follow us on Tiktok!
https://www.tiktok.com/?is_from_webapp=1&sender_device=pc
------------------------------------------------------------------
For more updates, please don't forget to FOLLOW and LIKE this PAGE. Thanks!