Barangay Silang Crossing East

Barangay Silang Crossing East Official page of Barangay Silang Crossing East, Tagaytay City, Cavite. Got questions or concerns? Message us or call our hotline at 09483297000.

Official Announcements β€’ Public Information β€’ Barangay Services β€’ Community Programs 🏑 Welcome to Barangay Silang Crossing East's official page! 🌟 Stay updated on community news, events, and important announcements. Let's build a stronger community together!

ALAM MO BA? Hindi lahat ng bahay ay isang household!Ayon sa PSA, ang HOUSEHOLD ay mga taong magkakasama at IISA ang arra...
21/08/2026

ALAM MO BA? Hindi lahat ng bahay ay isang household!

Ayon sa PSA, ang HOUSEHOLD ay mga taong magkakasama at IISA ang arrangement sa pagluluto/pagkain β€” kahit magkasama pa sa iisang bahay.

βœ… Mag-asawa't anak, iisa ang pagkain = 1 HOUSEHOLD
❌ Dalawang pamilyang magkahiwalay ang pagkain kahit iisang bahay = 2 HOUSEHOLDS

Bakit importante 'to? Dahil sa TAMANG PAGBILANG ng household, mas TAMA rin ang pagpaplano ng barangay sa mga serbisyo, programa, at benepisyong para sa inyo.

Tignan niyo ang buong infographic para sa mas detalyadong paliwanag. May tanong pa kayo? I-comment lang po dito!

Mahalaga ito para sa TAMANG datos ng barangay tungo sa mas maayos na serbisyo para sa inyo.

Taos-pusong pagbati mula sa Barangay Silang Crossing East! πŸ’™β€οΈNawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, k...
20/08/2026

Taos-pusong pagbati mula sa Barangay Silang Crossing East! πŸ’™β€οΈ
Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, kalakasan at maraming pagpapala upang patuloy na makapaglingkod sa ating barangay nang may dedikasyon at malasakit.

Happy Birthday, Kap! πŸŽ‚πŸŽˆ God bless you always! πŸ™

Narito ang updated na BHERT Organizational Chart ng Barangay Silang Crossing East para sa inyong gabay at madaling pagtu...
19/08/2026

Narito ang updated na BHERT Organizational Chart ng Barangay Silang Crossing East para sa inyong gabay at madaling pagtukoy sa mga health responders ng bawat BHA. (Barangay Health-Aide)

Para sa anumang health emergency, maaaring makipag-ugnayan sa ating Barangay Hotline: (0948) 329-7000.

18/08/2026
Ngayong Agosto 9, 2026, nagsagawa ng pagbisita ang Tagaytay City Social Welfare and Development (CSWD) at City Disaster ...
09/08/2026

Ngayong Agosto 9, 2026, nagsagawa ng pagbisita ang Tagaytay City Social Welfare and Development (CSWD) at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa ating mga evacuees sa Barangay Silang Crossing East upang mamahagi ng relief assistance at tiyaking maayos ang kanilang kalagayan.

πŸ“ Evacuees Update | As of 9:00 AM
β€’ 13 Pamilya
β€’ 44 Indibidwal
β€’ 24 Lalaki | 20 Babae
β€’ 9 Bata
β€’ 1 PWD
β€’ 1 Buntis

Patuloy ang koordinasyon ng barangay sa mga kinauukulang tanggapan upang matiyak ang kaligtasan at pangangailangan ng ating mga residenteng naapektuhan.

Sa panahon ng sakuna, walang maiiwan. Sama-sama tayong babangon.

09/08/2026

Agad na nagsagawa ng pag-aayos ang ating BDRRM Team sa daluyan ng tubig na nagdulot ng pagpasok ng tubig sa ilang kabahayan. Matapos ang isinagawang paglilinis at pag-aayos, muling naging maayos at tuluy-tuloy ang daloy ng tubig.

Patuloy ang ating pagbabantay at agarang pagtugon para sa kaligtasan ng ating mga residente.

Send a message to learn more

Address

Tagaytay City
4120

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+639483297000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Silang Crossing East posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Silang Crossing East:

Shortcuts

Share