29/10/2025
📢✨ ELDERLY WEEK CELEBRATION – MAITIM 2ND CENTRAL ✨📢
October 29, 2025 | Senior Hall, Brgy. Maitim 2nd Central
Isang masaya at makabuluhang selebrasyon ng Elderly Week ang naganap ngayong araw sa Senior Hall ng ating barangay! ❤️👵👴
Sinimulan ang programa sa isang mainit at taos-pusong pagbati mula kay Kapitan Edwin, na nag-welcome sa ating mga mahal na senior at nagpasalamat sa kanilang patuloy na suporta at presensya sa mga gawain ng barangay.
Sinundan ito ng paalala tungkol sa Pinggang Pinoy at 10 Kumainments mula kay BNS Che, bilang gabay upang mapanatili ang tamang nutrisyon at kalusugan ng ating nakatatanda.
Nagkaroon din ng NCD Assessment at BP Monitoring para matutukan ang kanilang kalagayang pangkalusugan na pinangunahan ni BHW Jhona. Pagkatapos nito, nagsagawa ng maikling meeting ang mga Senior, pinangunahan ni Mr. Honofredo, upang pag-usapan ang pag-appoint ng bagong treasurer at mga plano para sa kanilang nalalapit na Christmas Party.
Naghandog din ang barangay ng meryenda, na talagang ikinatuwa ng lahat. Pagkatapos kumain, sinimulan ang masasayang palaro tulad ng Pinoy Henyo, kung saan 3 pares ang nagwagi at tumanggap ng premyo! Mayroon ding bunutan kung saan bawat senior ay nakakuha ng kanilang munting papremyo para maiuwi.
Bago matapos ang programa, nagsaya at sumayaw ang lahat sa isang masiglang Zumba session, na nagbigay ng good vibes at enerhiya bago umuwi.
Umalis ang ating mga senior na may ngiti at saya—isang patunay na ang simpleng pagtitipon ay nagdudulot ng malaking ligaya sa ating nakatatanda.
Maraming salamat po sa lahat ng dumalo at Tumulong sa program para sa ating mga Seniors! ❤️