Barangay Neogan

Barangay Neogan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Neogan, Public & Government Service, Purok 136, Barangay Neogan, Tagaytay City.

Huling Hirit MRSIA-VAS💉💊Maraming Salamat 🙏🫰sa pakikipagtulungan ng ating Midwife Leah G. Cuadra 👩‍🔬at Nurses 👨‍🔬mula sa ...
03/09/2026

Huling Hirit MRSIA-VAS💉💊

Maraming Salamat 🙏🫰sa pakikipagtulungan ng ating Midwife Leah G. Cuadra 👩‍🔬at Nurses 👨‍🔬mula sa Tagaytay CHO, kasama ang masisipag nating BNS, mga BHW's, Purok Leaders at Purok Coordinators na mga Kagawad ng barangay.

Mission accomplished 👍and success po ang sinagawang house to house visit para sa pagbabakuna at pagbibigay bitamina sa mga batang nasa edad 6 hanggang 59 na buwang gulang. Maraming salamat 🩷din po sa lahat ng magulang na nakiisa para sa misyon na ito upang mabigyan proteksyon laban sa sakit ang kanilang mga anak.



02/09/2026

Mga Kabarangay!

Si Gng. Rhea Gilvezon ng Purok 136, ay nawalan ng kanyang pitaka, may laman na nagkakahalaga ng limang libong piso (5k) at celfone kulay pink case mayroon ding dalawang libong piso (2k ) sa likod nito.

Pakiusap niya lamang ay maibalik sa kanya kahit ang kanyang mga ID cards at kanyang ATM na nasa kanyang pitaka.

Sinuman maaaring makakita ng mga ID cards at ATM ni Gng. Rhea Gilvezon ay makipag-uganayan na lamang dito sa barangay.

Maraming Salamat!

Strengthening our fight against drugs! 💪 Yesterday, September 1, 2026, our BADAC members from Barangay Neogan joined the...
01/09/2026

Strengthening our fight against drugs! 💪

Yesterday, September 1, 2026, our BADAC members from Barangay Neogan joined the Capacity Building & Re-Orientation on the Barangay Drug Clearing Program (BDCP) held at Tolentino Hall, Brgy. Kaybagal South, Tagaytay City.

The activity was conducted by the PNP in partnership with DILG Tagaytay

This activity sharpened our knowledge, aligned our plans, and strengthened our commitment to keep our barangay safe, drug-free, and progressive.

Equipped and ready to serve our community better! 🤝

01/09/2026

Celebrating my 7th year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. 🙏🤗🎉

🎉 NUTRI-RAFFLE TAGUMPAY — PUROK 135 & 136!  Matagumpay na naisagawa ang Nutri-Raffle sa ating mga purok sa Barangay Neog...
30/08/2026

🎉 NUTRI-RAFFLE TAGUMPAY — PUROK 135 & 136!

Matagumpay na naisagawa ang Nutri-Raffle sa ating mga purok sa Barangay Neogan! 🥗💪

📍 Purok 136 — sa pangunguna ni BNAO Ma. Theresa Cabasi, suporta ni Punong Barangay Kgg. Analyn S. Diesta, at pinangasiwaan nina BHA Lhou Mendoza , Purok Leader Eulalio Enriquez, at Kgg. Perlita E. Fello.

📍 Purok 135 — nauna noong Agosto 2 sa pamamahala nina Kgg. Joel R. Bathan, Sonny Boy Gatpandan, at BHA Amor Lopena Peñalba.

🎊 Pagbati sa lahat ng nagwagi! Salamat sa inyong suporta sa adbokasiya ng mabuting nutrisyon. 💚

29/08/2026

Barangay Disaster Team in Action 💪

Pagbabantay at Paglilinis ng mga Daluyan

Sa kasamaan ng panahon gaya ng malakas na pag-uulan 🌧 nandito kami para sa inyo!

Ang ating Barangay Disaster Team, sa pangunguna ni Punong Barangay Kgg. Analyn S. Diesta, ay patuloy na nagbabantay at naglilinis ng mga kanal at daluyan ng tubig upang maiwasan ang pagbaha at masiguro ang kaligtasan ng bawat kabarangay.

Ang paghahanda ay susi sa kaligtasan. Magtulungan tayo at panatilihing malinis ang ating kapaligiran. 🤝


Gandang Buntis🤰sa Lungsod ng Tagaytay🤷‍♀️Buwan ng Wika📖sa Baby Doll Child Development Center🏠Dalawang magkabukod na prog...
28/08/2026

Gandang Buntis🤰sa Lungsod ng Tagaytay🤷‍♀️

Buwan ng Wika📖sa Baby Doll Child Development Center🏠

Dalawang magkabukod na programa ang naisagawa kanina lamang ika-28 ng Agosto 2026.

Pagbati para kay Gandang Buntis Neogan🤰
Gng. Shiela Gigante - HEALTHY PREGNANCY CHAMPION 🏆 dahil sa kanyang husay sumagot sa Question & Answer portion.

Matagumpay din naidaos ang programa ng Child Development Center sa pangunguna ni CDW Angelina Rosanes. Maraming Salamat sa suporta ni BNAO Ma. Theresa F. Cabasi at BNS Vilma Ebajan sa kanilang presensiya at tagumpay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika para sa mga batang mag-aaral sa DayCare.

Pagpupugay sa ating mga ina at pagmamahal sa sariling wika! 🇵🇭

BREASTFEEDING MONTH👩‍🍼• FAMILY PLANNING🤰 • PROGRAMANG PANGKALUSUGAN AT NUTRISYON 🥦 Kasabay ng ating pagdiriwang ng Buwan...
27/08/2026

BREASTFEEDING MONTH👩‍🍼• FAMILY PLANNING🤰 • PROGRAMANG PANGKALUSUGAN AT NUTRISYON 🥦

Kasabay ng ating pagdiriwang ng Buwan ng Pagpapasuso at pagpapalawak ng kaalaman sa Pagpaplano ng Pamilya, kahapon lamang ika-26 ng Agosto 2026 ay isinagawa rin natin ang masarap at masustansyang Feeding Program para sa mga bata at mga nagpapasusong ina. 🍚🥗

Sa pangunguna ng ating BNAO, BNS, mga BHW, at buong Nutrition Team, hindi lamang natin ibinahagi ang kaalaman — namahagi rin tayo ng mga sariwang gulay at masustansyang pagkain upang matugunan ang pangangailangan ng bawat pamilya. 🥦🎃

Namahagi din ng mga flyers upang mapalawak ang kaalaman para sa tamang pagpaplano at sapat na nutrisyon na susi sa mas matatag at masaganang pamumuhay ng bawat tahanan. 💪Ang malusog na simula ng bata ay nagsisimula sa malusog na ina.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng gawaing ito 💜

Breastfeeding Month 👩‍🍼 and Family Planning 🤰Sa pamumuno ng ating Health and Nutrition Committee,  Punong Barangay Kgg. ...
26/08/2026

Breastfeeding Month 👩‍🍼 and Family Planning 🤰

Sa pamumuno ng ating Health and Nutrition Committee, Punong Barangay Kgg. Analyn S. Diesta, mga kagawad, BNAO, Midwife, BNS, BHW's , mga BHA's at SK Chair Kgg. John Franklin B. Gatpandan - sama-sama ang lahat upang bigyang-pugay ang kahalagahan ng pagpapasuso at tamang pagpaplano ng pamilya.

Ang pagmamahal at pag-aalaga sa mga ina at bata ay pag-aalaga sa kinabukasan ng ating pamayanan. Maraming salamat sa lahat ng mga inang nagpapasuso at mga magulang na naglaan ng oras upang makilahok sa gawaing ito! 🙏

Patuloy tayong magtulungan para sa mas malusog at masaganang pamilya! 💪

🍚RICE DISTRIBUTION/Calamity Assistance) 🍚Nagpatuloy ang pamamahagi ng ayudang bigas / relief rice sa pangunguna ng ating...
25/08/2026

🍚RICE DISTRIBUTION/Calamity Assistance) 🍚

Nagpatuloy ang pamamahagi ng ayudang bigas / relief rice sa pangunguna ng ating Punong Barangay Kgg. Analyn S. Diesta, para sa kabuuang 1,135 na kabahayan sa buong barangay, upang maibsan ang pangangailangan matapos ang nagdaang pag-uulan dulot ng hanging Habagat.

Maraming salamat sa lahat ng kawani ng barangay at kasamang naglilingkod at tumulong upang maiparating nang maayos ang ayuda sa bawat purok at tahanan. Nawa’y magpatuloy ang ating pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa mas matatag at masaganang pamayanan! 🙏💛

Nagsagawa din ng BAYANIHAN 💪upang maalis ang nabasag na cover ng canal sa purok 135, sa pangunguna ng komite ng Clean ang Green.

Kanina lamang din ay nagsagawa ng interview/survey ang DENR sa mga kawani ng barangay.

Address

Purok 136, Barangay Neogan
Tagaytay City
4120

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Neogan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share