DepEd Tayo Vicente Pe PS

DepEd Tayo Vicente Pe PS This is the official DepEd Tayo page of Vicente Pe Primary School.

06/07/2022

RA 10173 DATA PRIVACY ACT

¨IWASANG MAG-POST NG SCHOOL CARD, ID AT CERTIFICATE NG INYONG MGA ANAK.

Sa mga Mahal naming magulang at mga mag aaral,

Buong galang na may pagmamalasakit po tayong pinaaalalahanan at hinihikayat ng DepEd na iwasan ang pagpopost ng buong larawan ng ID, Report Card o Certificate ng ating mga anak sa Facebook o sa anupamang social networking site platforms. Ang mga dokumentong ito, bagama’t karapatdapat ipagmalaki, ay naglalaman ng mga mahahalaga at sensitibong personal na impormasyong maaaring gamitin upang mambiktima at manlinlang ng kapwa kabilang na may ari ng mga dokumentong iyon kasama na rin ang kanyang mga kaanak.

1) Ang buong pangalan ng bata at buong pangalan ng kanyang paaralan na matatagpuan dito ay maaaring gamitin upang matukoy kung saan siya naroroon. Napakadali ngayong isearch at makita ang mga social media accounts ng mga bata gayundin makita sa mapa gamit ang internet ang kinaroroonan ng mga ito;

2) Ang Learner Reference Number (LRN) na natatangi sa isang maga-aral ay matatagpuan rin sa mga dokumentong ito. Nakaugnay sa LRN ng isang bata ang kanyang historical school records kasama ang kanyang mga marka gayundin ang mga personal na impormasyon gaya ng petsa ng kapanganakan, address, pangalan ng mga magulang, lahi, at iba pa, na pawang ginawa ng gobyerno bilang paghahanda sa National ID System. Isang hack ng database ng DepEd at tiyak na makikita ang mga impormasyong ito na magagamit sa Identity Theft o pagnanakaw ng pagkakakilanlan. Nagagamit, halimbawa, ang apelyido ng nanay noong dalaga at petsa ng kapanganakan upang matukoy ang password ng isang tao sa kanyang mga accounts;

3) Ang lagda o pirma ng mga school administrators at principals gayundin ang mga logos at headers ng mga paaralan ay naroroon din. Ang mga ito ay maaaring makopya at maedit para makahingi ng donasyon at makapangikil;

4) Ang buong Diploma o Certificate ay maaaring makopya para magamit sa pansariling kapakanan. Napakadali na ngayong mag edit at makapandaya.

Bagama’t tunay na maipagmamalaki ang mga dokumentong ito at Tunay na Nakaka-proud ipost sa ating social media accounts, Mas makakabubuti pong unahin pa rin natin ang kapakanan ng ating mga anak at sarili. Mas mahalaga pa rin na maproteksyunan natin ang privacy natin at ng ating mga anak.

Maraming salamat po!

S.Y. 2020-2021 manrugi si October 5, 2020 # # #  tako nan anan-nak tako kasin # # # # #
01/10/2020

S.Y. 2020-2021 manrugi si October 5, 2020
# # # tako nan anan-nak tako kasin # # # # #

01/10/2020
Let's learned from this poem
11/03/2020

Let's learned from this poem

The true meaning of Valentine's
14/02/2020

The true meaning of Valentine's

His mercies are new today
24/01/2020

His mercies are new today

07/01/2020

Address

Pasnadan, Dacudac
Tadian

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Vicente Pe PS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share