19/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐? ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฌ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฒ ๐๐๐ฉ๐๐ฅ๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ค๐ซ๐ข๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ
Nakababahalang isipin na tila ayuda na lamang kung ipamigay ang Pilipinas matapos
pormal na sumali ang bansa sa Pax Silica Initiative, isang inisyatibang nakatuon sa AI, advanced manufacturing, semiconductors, at critical minerals, New Clark City, Capas, Tarlac, noong Abril 2026.
Hindi lamang ito isang hamak na pirma, kundi ito rin ay isang pinakamalaking ilusyong solusyon na ginawa ng pamahalaan upang masolusyonan ang mga problemang
kinakaharap ng ating bansa, kagaya ng kawalan ng trabaho sa milyon-milyong mga Pilipino.
Ano nga ba ang Pilipinas? Paupahan? Rental property? Huthutan ng mineral? O baka naibenta na naman tayo sa mga kamay ng mga dayuhan? Ang tanong: handa ba tayo sa epekto nito sa ating ekonomiya?
Kung ating pagnilayan ng mabuti, ang papatayuan ng naturang AI Hub na nasa mahigit kumulang 1,620 ektarya, ayon sa mga ulat tungkol sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ay may kaugnayan sa mga usapin tungkol sa lupa, komunidad, at karapatan ng mga Aeta na naninirahan sa lugar. May mga grupong
nagtaas ng pangamba tungkol sa posibleng epekto ng proyekto sa mga lokal na komunidad at sa kanilang kabuhayan. Hirap na hirap na ngang mabuhay sa bansang ito, binigyan pa ng walang katapusang pasanin ang mga taong walang ginawa kundi lumaban
lamang ng patas.
Kung tutuusin, nagkukulang na nga ng suplay ng tubig sa Luzon dulot ng matinding El Niรฑo na naranasan ng ating bansa sa taong 2026, tutubusin pa ng Pax Silica na gumagamit ng mahigit kumulang umaabot sa tinatayang 130 milyong litro ng tubig sa
isang araw, ayon sa mga ulat tungkol sa proyekto. Kung susumahin, ang lubhang maapektuhan nito ay ang mga magsasakang kung iisipin ay siyang bumubuhay sa hapag ng bawat tahanan.
Nakakahiya na tila isasakripisyo lamang ang mga paghihirap at ang
kabuhayan ng mga ordinaryong Pilipino para lamang mabigyang-daan ang isang solusyong walang kasiguraduhan. Ito ang tahanan ng ating mga ninuno, ngunit bakit napakabilis nitong ibigay sa mga dayuhan?
Isa pang dahilan ay tila makikihati pa ang Pax Silica sa kulang na suplay ng kuryente sa Gitnang Luzon. Ano โto? May hatian pang mangyayari? Na kung tutuusin labis kung lumamon ng kuryente ang AI Hub na ito, mahigit 3 gigawatts ng kuryente, isang
napakalaking pangangailangan sa enerhiya na iniulat na katumbas ng humigit-kumulang 16 porsyento ng kasalukuyang kapasidad ng Luzon.
Hindi masama ang pag-unlad at inobasyon sa aspeto ng teknolohiya at ekonomiya. Maaaring ang pagpapatayo ng Pax Silica sa ating bansa ay magbibigay ng oportunidad at trabaho sa mga Pilipino, ngunit ang hinihingi lamang ay isang responsableng pag
unlad, kung saan isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga Pilipino, kalikasan, suplay ng tubig, enerhiya, at karapatan ng komunidad. Hindi pagbabago at inobasyon ang tawag kung mayroong magsasakripisyo at papasan ng bigat ng isang desisyon. Higit na makabubuti kung gagawa ng matatag at kongkretong
proyekto.
Sa halip na patayuan ang mga lugar na may usapin tungkol sa ancestral domain, mas makakabuti kung gagawa ng mga proyektong magbibigay ng trabaho at mangangalaga ng kalikasan. Kailangan lumikha ng totoo at makabuluhang trabaho, sa
halip na gamitin ang kulang na suplay ng tubig. At higit sa lahat, patatagin ang sistema, sa halip na paghahatian ang limitadong suplay ng kuryente. Wala tayong karapatang tumanggap ng isang proyekto, kung hindi tayo handa sa nakaambang epekto nito. Ilusyon lamang ito na ginawang pampalubag-loob.
Hindi progreso at solusyon ang tawag kung tayo ang nawawalan at patuloy na nagsasakripisyo. Hangga't paupa at pamigay ang solusyon sa kahirapan, at kung pagtitiis at paghihintay lamang ang naiisip na lunas sa epekto ng kapabayaan, walang pagsulong
ang magaganap, kundi kahirapan lamang ang mahahanap.
โ: Noron Guindale
๐ป: Kristina Cornelio & Jade Hapinat