15/06/2026
PRO 8 PINALAKAS ANG UGNAYAN NG PULISYA AT MUSLIM COMMUNITY SA TACLOBAN
Isang makabuluhang araw ng pagkakaisa at malasakit ang umantig sa komunidad ng Nula-Tula, Tacloban City matapos magsagawa ang kapulisan ng isang outreach program para sa mga kasapi ng Muslim community. Hatid nito ang mensahe ng kapayapaan, pagtutulungan, at pag-asa sa bawat pamilyang nakinabang.
Sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., patuloy na isinusulong ng Philippine National Police ang mga programang naglalapit sa serbisyo ng kapulisan sa iba’t ibang komunidad upang patatagin ang tiwala at ugnayan sa mamamayan.
Noong June 11, 2026, isinagawa ng PRO-8 ang outreach program sa Masjid at Madrasah Al-Hidayah Al-Islamiyyah sa Brgy. 74, Nula-Tula, Tacloban City. Namahagi ang kapulisan ng groceries at food packs para sa mga pamilya ng Muslim community, na nakatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, kasabay ng maayos na pakikipag-ugnayan na nagpatibay ng samahan at pagkakaunawaan.
Ang inisyatibang ito ay nagpapakita ng patuloy na presensya ng PNP sa komunidad sa pamamagitan ng direktang serbisyo at aktibong pakikibahagi sa mga gawaing panlipunan na nagtataguyod ng pagkakaisa sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Bahagi rin ito ng PNP Focused Agenda na nakatuon sa mas pinalakas na serbisyo sa komunidad, kung saan ang Enhanced Managing Police Operations at Active Community Support ay naipapakita sa mga ganitong uri ng inisyatiba na naglalapit sa kapulisan at mamamayan.
Pahayag ni PNP Chief PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., “True service is felt when it is given with sincerity, compassion, and respect for all.
Ang tunay na serbisyo ay nararamdaman kapag ito ay may sinseridad, malasakit, at paggalang sa kapwa.”
“Bilang iisang sambayanang Pilipino, magkaiba man ang ating pananampalataya, iisa ang ating hangarin para sa isang mapayapa at ligtas na bansa,” dagdag pa niya.
Ang PNP ay patuloy na magsusulong ng mga programang naglalapit sa kapulisan at mamamayan, sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., habang isinusulong nito ang adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”
(PNP-PIO)