15/06/2026
๐๐๐๐ผ๐ ๐๐ ๐๐ผ๐-๐ผ๐๐ผ: ๐๐๐จ๐จ ๐๐ค๐ฌ๐๐ง ๐๐ช๐ก๐๐ฉ๐ช๐ก๐ 2026 ๐๐ฉ ๐๐74, ๐๐๐ข๐๐๐๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ค๐ค๐ก ๐๐ช๐ฅ๐ฅ๐ก๐๐๐จ ๐๐ฉ ๐๐ฃ๐๐๐ ๐จ ๐จ๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐ง๐๐ฌ ๐ฃ๐ ๐๐๐จ๐ช๐ ๐๐ฃ
Sa pagbubukas ng panibagong taong panuruan, nagkaisa si ๐๐ข๐ฌ๐ฌ ๐๐จ๐ฐ๐๐ซ ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐ 2026 ๐๐๐๐ฒ ๐๐ ๐๐๐ฒ๐ซ๐, kasama ang mga kandidata ng patimpalak at ang Sangguniang Kabataan ng Barangay 74 Lower Nulatula (SK74), upang maghatid ng ngiti, inspirasyon, at pag-asa sa mga mag-aaral ng Bliss Elementary School sa pamamagitan ng proyektong โ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ -๐๐ฌ๐โ.
Sa unang araw ng klase, namahagi ang grupo ng mga school supplies, snacks at iba pang kagamitang pang-edukasyon upang makatulong sa mga batang mag-aaral sa kanilang pagbabalik-eskwela sa Bliss Elementary School. Layunin ng programa na hikayatin ang pagkatuto, pagkamalikhain, at aktibong pakikilahok ng kabataan sa komunidad.
Ayon kay Miss Lower Nulatula 2026 Mady de Veyra, ang proyektong ito ay bunga ng kanyang hangaring makapaglingkod at makapagbigay ng positibong epekto sa buhay ng mga kabataan.
โ๐๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐-๐๐จ๐ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐๐๐๐๐๐ค ๐๐ฉ ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ ๐ช๐ก๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ข๐ช๐ฃ๐๐ค. ๐๐ ๐ฅ๐๐ข๐๐ข๐๐๐๐ฉ๐๐ฃ ๐ฃ๐ โ๐๐ช๐ก๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐๐๐-๐๐จ๐,โ ๐ฃ๐๐๐จ ๐ฃ๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐๐๐๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐จ๐ฅ๐๐ง๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐จ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐-๐๐๐ง๐๐ก ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฎ ๐ข๐๐ฃ๐๐๐ง๐๐ฅ, ๐ข๐๐๐จ๐๐ ๐๐ฅ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐-๐๐๐ง๐๐ก, ๐๐ฉ ๐ข๐๐ฃ๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐จ๐ ๐ ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฎ๐๐๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ข๐๐ฉ ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ง๐๐ฅ,โ
ani Mady de Veyra.
Masaya namang tinanggap ng mga mag-aaral, g**o, at mga magulang ang mga ipinamahaging kagamitan na magsisilbing suporta sa kanilang pag-aaral ngayong taon.
Ipinapakita ng inisyatibong ito ang patuloy na pagkakaisa ng Miss Lower Nulatula Organization at SK74 sa pagtataguyod ng edukasyon, paghubog ng mga kabataang lider, at pagpapalakas ng diwa ng bayanihan sa komunidad.
Sa pamamagitan ng simpleng pagkilos na ito, naipakita na ang bawat kulay ng pag-asa ay may kakayahang magbigay-liwanag sa kinabukasan ng ating mga kabataan.
Maligayang pagbabalik-eskwela, mga kabataan! Patuloy na mangarap, matuto, at maging inspirasyon sa inyong kapwa. ๐๐โจ