14/03/2026
BRGY. ASSEMBLY DAY!!!
Inaanyayahan po ang lahat ng residente ng Barangay Pinagbobong na makiisa at dumalo sa ating Barangay Assembly Day na gaganapin sa March 15, 2026, ganap na 1:00 ng hapon sa Barangay Pinagbobong Multipurpose Hall.
Ito ay may temang:
“Nagkakaisang Barangay Tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran.”
Ang inyong presensya ay mahalaga upang sama-sama nating mapag-usapan ang mga programa, proyekto, at mga plano para sa patuloy na pag-unlad ng ating barangay.
Lugar: Barangay Pinagbobong Multipurpose Hall
Oras: 1:00 ng hapon
Petsa: March 15, 2026
Makilahok, makiisa, at maging bahagi ng pagbabago para sa mas maayos at maunlad na Barangay Pinagbobong.
Kitakits po tayo!