Tabaco City Public Information Office

Tabaco City Public Information Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tabaco City Public Information Office, Government Organization, Annex Building, Tabaco City Hall, Tabaco.

LIBRENG GAMIT SA ESKWELA, IPINAMAHAGI SA MGA MAG-AARAL NG TATLONG PAARALAN SA TABACOPatuloy na isinusulong ng Pamahalaan...
17/07/2026

LIBRENG GAMIT SA ESKWELA, IPINAMAHAGI SA MGA MAG-AARAL NG TATLONG PAARALAN SA TABACO

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Tabaco ang suporta sa edukasyon sa pamamagitan ng pamamahagi ng Libreng Gamit sa Eskwela sa mga mag-aaral ng Mayon Integrated School, Sua-Igot Elementary School, at Oras Elementary School.

Layunin ng programang mabigyan ng kinakailangang school supplies ang mga mag-aaral bilang paghahanda sa kanilang pag-aaral at upang makatulong sa mga magulang sa gastusin sa pagbubukas ng klase.

Patunay ito ng patuloy na pangako ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Reynaldo B. Bragais na suportahan ang sektor ng edukasyon at tiyaking may sapat na kagamitan ang mga kabataan upang makapag-aral nang maayos.

DAY 1[PART 2/2]Mahigit 150 Taga-Barangay Dumalo sa ALAB Seminar Kontra Ilegal na DrogaHinikayat ni Tabaco City Mayor Rey...
17/07/2026

DAY 1
[PART 2/2]
Mahigit 150 Taga-Barangay Dumalo sa ALAB Seminar Kontra Ilegal na Droga

Hinikayat ni Tabaco City Mayor Reynaldo B. Bragais ang lahat na maging bahagi ng solusyon at hindi bahagi ng problema sa paglaban sa ilegal na droga sa unang araw ng dalawang araw na Seminar on Adbokasiya Laban sa Illegal na Droga (ALAB), na pinagsamang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Tabaco at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Mahigit 150 kalahok mula sa 47 barangay ng lungsod ang dumalo sa seminar na naglalayong palakasin ang kaalaman, kamalayan, at pakikilahok ng komunidad sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Sa kanyang mensahe, sinabi naman ni Vice Mayor Glenda Ong-Bongao na sama-samang responsibilidad ng bawat mamamayan, sektor, at ahensya ng pamahalaan ang pagpapanatili ng isang ligtas at drug-free na komunidad.

Pinasalamatan ni Nurse IV at CADAC Focal Person Cristina Bongat ang mga dumalo sa programa. Samantala, ipinahayag nina Sangguniang Panlungsod Members Rogelio Burce III at Arnold Onrubia ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang kontra ilegal na droga.

Nagbigay rin ng mensahe sina Chief of Police PLTCOL Virgil Bibat, OIC ng City Health Unit na si Dr. Liezel Cuales-Duncan, at DILG-LGOO VI Ivy Leonardo. Hinikayat nila ang publiko na makiisa sa pagbibigay ng tama at napapanahong impormasyon sa mga awtoridad habang patuloy na iginagalang ang karapatang pantao, dignidad, at karapatan sa privacy ng bawat isa.

Samantala, nagbahagi naman ng mga lecture sina PDEA Team Leader Arlene Galiza at iba pang ahente tungkol sa mga batas laban sa ilegal na droga, drug prevention education, at ang mahalagang papel ng komunidad sa kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.

DAY 1[PART 1/2]Mahigit 150 Taga-Barangay Dumalo sa ALAB Seminar Kontra Ilegal na DrogaHinikayat ni Tabaco City Mayor Rey...
17/07/2026

DAY 1
[PART 1/2]

[PART 2/2]Dalawang Barangay sa San Miguel Island Nagsagawa ng Tsunami Drill Bilang Bahagi ng National Disaster Resilienc...
17/07/2026

[PART 2/2]
Dalawang Barangay sa San Miguel Island Nagsagawa ng Tsunami Drill Bilang Bahagi ng National Disaster Resilience Month

Napili ang dalawang coastal at tsunami risk-prone na barangay ng Sagurong at Rawis sa San Miguel Island bilang mga benepisyaryo ng Project Oplan Alerto: Tsunami Early Warning System Activation and Evacuation Drill ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Pamahalaang Lungsod ng Tabaco, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month.

Malugod na tinanggap ni Punong Barangay Manuel Borra ng Sagurong ang mga kawani ng LGU at nagpasalamat sa pagkakapili ng kanilang barangay bilang isa sa mga tumanggap ng tsunami warning siren, isang mahalagang kagamitan na nagsisilbing maagang babala sa oras ng sakuna.

Ipinaliwanag ni CDRRMO Officer Andrew Gonzalez ang mga sanhi at epekto ng lindol, kabilang ang panganib na dulot ng tsunami. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng agarang paglikas patungo sa mas ligtas na lugar sa oras ng banta.

Ayon naman kay CDRRMO Head Gel Molato, patuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan sa pagpapalakas ng kahandaan ng mga komunidad. Inihayag din niya na bawat sambahayan ay bibigyan ng emergency go-bag bilang bahagi ng paghahanda sa panahon ng sakuna.

Isinagawa rin ang isang tsunami evacuation drill kung saan itinuro sa mga residente ang tamang gagawin sa oras na tumunog ang warning siren, ang ligtas na ruta patungo sa evacuation center, at ang wastong mga hakbang pagdating sa evacuation site. Sinuri ni Administrative and Training Section Head Rowena Buenconsejo ang isinagawang drill at kinilalang naging maayos at kasiya-siya ang naging resulta.

Sa hapon, isinagawa rin ang kaparehong aktibidad sa Barangay Rawis. Nagpasalamat si Punong Barangay Saeed Ahmed Tanggo sa patuloy na teknikal at logistikal na suporta ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Reynaldo B. Bragais, lalo na sa panahon ng kalamidad.

Umabot sa 140 kalahok mula sa dalawang barangay ang nakiisa sa aktibidad. Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy na pinatitibay ng Pamahalaang Lungsod ng Tabaco ang kahandaan ng bawat komunidad upang maprotektahan ang buhay at ari-arian ng mga mamamayan sa oras ng sakuna.

[PART 1/2]Dalawang Barangay sa San Miguel Island Nagsagawa ng Tsunami Drill Bilang Bahagi ng National Disaster Resilienc...

16/07/2026

THANK YOU SPES-PIO!

Hindi magiging ganito kaayos ang unang mga buwan ng Public Information Office kung hindi dahil sa tulong ng ating mga DOLE-SPES beneficiaries.

Sa loob ng 20 araw, naging kasama namin sila sa pag-cover ng iba't ibang programa at aktibidad ng Pamahalaang Lungsod ng Tabaco. Sa kabila ng pagiging understaffed ng aming tanggapan, naging malaking tulong ang kanilang sipag, dedikasyon, at pagiging handang matuto.

Bago sila magtapos sa kanilang SPES journey, hiniling namin sa kanila na gumawa ng isang simpleng video bilang alaala ng kanilang naging karanasan sa PIO. Ang bidyong ito ay sarili nilang likha at sumasalamin sa kanilang naging bahagi sa pagsisimula at pagpapalakas ng ating Public Information Office.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat kay City Mayor Reynaldo B. Bragais at kay City Administrator Amelia B. Ilagan sa pag-apruba ng pagtalaga ng ating mga SPES beneficiaries sa Public Information Office, at sa Public Employment Services Office (PESO) headed by Sir Zosimo Buenconsejo. Malaki ang naging ambag ng kanilang suporta upang mas maayos nating maihatid ang mga balita at impormasyon sa ating mga Tabaqueรฑo.

Maraming salamat sa inyong panahon, sipag, at dedikasyon. Hangad namin ang inyong tagumpay sa pag-aaral at sa mga susunod ninyong tatahaking landas. Padayon, SPES Batch 2026!

โ€Ž๐Ÿ“ข ๐—›๐—˜๐—”๐——๐—ฆ ๐—จ๐—ฃ, ๐—๐—ข๐—• ๐—ฆ๐—˜๐—˜๐—ž๐—˜๐—ฅ๐—ฆ! ๐Ÿ’ซ๐ŸŒŸโ€Žโ€ŽLooking for a job? Don't miss the ๐—๐—ข๐—• ๐—™๐—”๐—œ๐—ฅ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ on ๐—”๐˜‚๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜ ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, from 9:00 AM to 4:00 PM...
15/07/2026

โ€Ž๐Ÿ“ข ๐—›๐—˜๐—”๐——๐—ฆ ๐—จ๐—ฃ, ๐—๐—ข๐—• ๐—ฆ๐—˜๐—˜๐—ž๐—˜๐—ฅ๐—ฆ! ๐Ÿ’ซ๐ŸŒŸ
โ€Ž
โ€ŽLooking for a job? Don't miss the ๐—๐—ข๐—• ๐—™๐—”๐—œ๐—ฅ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ on ๐—”๐˜‚๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜ ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, from 9:00 AM to 4:00 PM at the ๐—ง๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฐ๐—ผ ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ฃ๐—น๐—ฎ๐˜‡๐—ฎ!
โ€Ž
โ€ŽThe ๐—Ÿ๐—ผ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—จ๐—ป๐—ถ๐˜ ๐—ผ๐—ณ ๐—ง๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฐ๐—ผ, headed by ๐‡๐จ๐ง. ๐‘๐ž๐ฒ๐ง๐š๐ฅ๐๐จ ๐. ๐๐ซ๐š๐ ๐š๐ข๐ฌ, ๐˜Š๐˜ช๐˜ต๐˜บ ๐˜”๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ณ, through ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐—˜๐—บ๐—ฝ๐—น๐—ผ๐˜†๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ, headed by ๐Œ๐ซ. ๐™๐จ๐ฌ๐ข๐ฆ๐จ ๐. ๐๐ฎ๐ž๐ง๐œ๐จ๐ง๐ฌ๐ž๐ฃ๐จ, ๐˜—๐˜Œ๐˜š๐˜– ๐˜”๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ๐˜ณ, invites all job seekers to this one-day hiring event.
โ€Ž
โ€ŽMeet employers, explore job opportunities, and apply for positions that match your skills and qualifications. Your next career could start here! ๐Ÿ’ผ
โ€Ž
โ€Ž๐Ÿ“Œ Register in advance by filling out the online registration form:
โ€Žhttps://forms.gle/Mjn42Pz7Z3JRqpHC6
โ€Žhttps://forms.gle/Mjn42Pz7Z3JRqpHC6
โ€Žhttps://forms.gle/Mjn42Pz7Z3JRqpHC6
โ€Ž
โ€ŽYou may also print and accomplish your NSRP Form in advance and submit it at the registration area during the Job Fair.
โ€Žhttps://drive.google.com/.../15WdDzSxplPS271m1CPfeINV...
โ€Ž
โ€Ž๐Ÿ“Œ๐—ฅ๐—ฒ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ:
โ€Ž๐‘ฉ๐’“๐’Š๐’๐’ˆ:
โ€Žโ€ข Updated Resume
โ€Žโ€ข Bottled water
โ€Ž๐‘พ๐’†๐’‚๐’“:
โ€Žโ€ข Appropriate attire
โ€Ž
โ€Ž๐Ÿ“ข The list of participating companies and job vacancies will be posted soon.
โ€Ž
โ€Ž๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž ๐๐€ ๐Œ๐€๐˜ ๐๐”๐’๐Ž ๐Ÿ’ผโค๏ธ

โ€Žhttps://drive.google.com/drive/folders/15WdDzSxplPS271m1CPfeINV_2ZZ71SLe
โ€Ž
โ€Ž๐Ÿ“Œ๐—ฅ๐—ฒ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ:
โ€Ž๐‘ฉ๐’“๐’Š๐’๐’ˆ:
โ€Žโ€ข Updated Resume
โ€Žโ€ข Bottled water
โ€Ž๐‘พ๐’†๐’‚๐’“:
โ€Žโ€ข Appropriate attire
โ€Ž
โ€Ž๐Ÿ“ข The list of participating companies and job vacancies will be posted soon.
โ€Ž
โ€Ž๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž ๐๐€ ๐Œ๐€๐˜ ๐๐”๐’๐Ž ๐Ÿ’ผโค๏ธ
โ€Ž
โ€Ž

[PART 2/2]Mahigit 200 Residente ng Brgy. Buang Nakinabang sa PuroKalusugan Program ng DOH at Pamahalaang Lungsod ng Taba...
14/07/2026

[PART 2/2]
Mahigit 200 Residente ng Brgy. Buang Nakinabang sa PuroKalusugan Program ng DOH at Pamahalaang Lungsod ng Tabaco

Isinagawa ngayong araw ng Department of Health โ€“ Center for Health Development Bicol (DOH-CHD Bicol), sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod ng Tabaco, ang PuroKalusugan: Alagang Pangkalusugan sa Evacuation Center sa Barangay Buang, Lungsod ng Tabaco.
Mahigit 200 residente ng Barangay Buang ang nakinabang sa nasabing programa, kabilang ang 100 residente na kasalukuyang nananatili sa evacuation center matapos mailikas mula sa loob ng 8-kilometrong danger zone sa paanan ng Bulkang Mayon.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Dr. Liezel L. Cuales-Duncan, Officer-in-Charge ng City Health Office ng Tabaco, na mahalagang matiyak ang kalusugan ng mga evacuee habang sila ay pansamantalang naninirahan sa evacuation center.

"Ilang buwan na silang nananatili sa evacuation center kaya nararapat lamang na mabigyan sila ng sapat na serbisyong pangkalusugan," ani Dr. Cuales-Duncan.

Ayon naman kay Yolanda Almoguera ng DOH-CHD Bicol, kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang medical consultation, dental o oral health services, eye check-up, X-ray, urinalysis, Complete Blood Count (CBC) sa pamamagitan ng mobile primary care facility, bakuna laban sa pulmonya para sa mga senior citizen, YAKAP registration, at pagpapalaganap ng walong pangunahing programang pangkalusugan ng DOH.
Naghatid din ng mensahe si Dr. Angela Rempillo, Medical Officer IV, na kumatawan kay DOH Regional Director Dr. Rosa Maria Rempillo, kung saan binigyang-diin niya ang patuloy na pangangalaga at suporta ng pamahalaan sa kalusugan at kapakanan ng bawat mamamayan.

Samantala, tiniyak ni City Administrator Amelia Bragais-Ilagan, na kumatawan kay Mayor Rey Bragais, ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Tabaco sa mga programang pangkalusugan at iba pang inisyatibang naglalayong mapabuti ang kalagayan at kalidad ng buhay ng mga residente.

Dumalo rin sa programa sina Dr. Lydia Ballarbare, City Health Physician para sa mga Upland Barangays; Konsehal Preciosisima Tanggo; Punong Barangay Eusebio Lorico ng Barangay Buang; at Dr. Karl Hegel Ante, Officer-in-Charge ng Provincial Health Office, bilang kinatawan ni Gobernador Noel Rosal. Nakiisa rin ang mga kawani ng DOH, LGU, at iba pang mga medical at health professionals upang matiyak ang maayos na pagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugan sa mga benepisyaryo.

[PART 1/2]Mahigit 200 Residente ng Brgy. Buang Nakinabang sa PuroKalusugan Program ng DOH at Pamahalaang Lungsod ng Taba...

Address

Annex Building, Tabaco City Hall
Tabaco
4511

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tabaco City Public Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share