Municipal Government of Tboli

Municipal Government of Tboli A 1st Class Municipality in the Province of South Cotabato, named after the Indigenous Tribe, Tboli. The home of the majestic and world-class Lake Holon.

Created by the virtue of Presidential Decree No. 407 in the year 1974. This page gives latest updates, shares interesting and inspiring stories from the Municipality of Tboli. FAST FACTS:
Legal Basis: Presidential Decree No. 407
Foundation Anniversary: March 16, 1974
No. of Baranggays: 25
No. of Sitios: 220
Population: 79, 175 (NSO survey 2010)
Land Area: 91, 527 hectares
Ethnic Group: Tboli (50.82% ) , Blaan (6.96 %), Ilonggo (32.74), Cebuano (5.54%), Maguindanao / Maranao ( 0.68%), Others ( 3.26%)
Educational Institutions: Primary / Elem Schools (53), Secondary (4)
Products/Land use: Banana, Pineapple, Corn, Coconut, Rattan
Agricultural Products: corn, rice, banana, pineapple, palm, coconut, rattan, multi-crops/fruit trees, livestock, poultry, fishery
Industry: Mining, corn shelling, banana and pineapple plantation. Tourist Attratctions: Lake Holon, Mt. Melebingoy, Bakngeb River Cave, Sol Ketnit cave, Mt. Melebatu, Lamhaku hot spring, Safangan falls, KuluSnolon cave, El Minit Gazer, Hidak falls.

Mga kawani ng LGU-Tboli, todo hataw sa Zumba na kaugnay ng 126th PCSA CelebrationTodo hataw sa Zumba ang mga empleyado a...
05/09/2026

Mga kawani ng LGU-Tboli, todo hataw sa Zumba na kaugnay ng 126th PCSA Celebration

Todo hataw sa Zumba ang mga empleyado at staff ng LGU-Tboli, sa unang linggo pa lamang ng Zumba Activity, na bahagi ng pagdiriwang ng ika-126 na Philippine Civil Service Anniversary sa bayan.

Isasagawa ang Zumba tuwing Biyernes, sa buong buwan ng Setyembre, upang mapanatiling malusog at aktibo ang mga kawani, mabawasan ang stress, at mapalakas ang samahan at pagkakaisa bilang mga lingkod bayan. (Lea A. Panoy, MIO News Team)

Bakbakan ng LGU-Tboli Employees and Staff sa unang linggo ng 126th PCSA Sportsfest, matindiNaging matindi ang bakbakan n...
05/09/2026

Bakbakan ng LGU-Tboli Employees and Staff sa unang linggo ng 126th PCSA Sportsfest, matindi

Naging matindi ang bakbakan ng mga kalahok mula sa apat na koponan, na kinabibilangan ng mga empleyado at staff ng LGU-Tboli, para sa unang linggo ng Sportsfest na sinimulan nitong Setyembre 1, 2026, bilang bahagi ng isang buwang selebrasyon ng Ika-126 Philippine Civil Service Anniversary.

Kabilang sa mga larong inihanda sa unang linggo ay ang Basketball, Kickball, at Volleyball. Asahang marami pang kapana-panabik na palaro sa mga susunod na araw na magpapatibay sa samahan at kalusugan ng bawat empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Tboli. (Choice L. Naceda, MIO News Team)

2 Centenarians mula sa bayan ng Tboli, nakatanggap ng Cash Gift mula sa National Commission of Senior CitizensLabis ang ...
05/09/2026

2 Centenarians mula sa bayan ng Tboli, nakatanggap ng Cash Gift mula sa National Commission of Senior Citizens

Labis ang tuwa ng dalawang benepisyaryo ng Expanded Centenarian Program mula sa bayan ng Tboli, matapos silang makatanggap ng tig-₱100,000 na Cash Gift mula sa National Commission of Senior Citizens (NCSC). Idinaos sa Office of Senior Citizens Affairs (OSCA-Tboli) Conference Hall, Municipal Hall Compound, Poblacion, Tboli, South Cotabato nitong Setyembre 4, 2026, ang pagkilala.

Ang mga pinagpalang Centenarians na nakatanggap ng Cash Gift ay sina Marcelo B. Lumbay, 104 taong gulang mula sa Barangay Kematu, at Tamin K. Kibang, 100 taong gulang mula sa Barangay Lamhaku, na parehong miyembro ng Indigenous People.

Nilinaw ng NCSC Region XII na ang natanggap ng dalawa ay isang opisyal na regalo at hindi lamang simpleng ayuda, dahil ito ay pagkilala sa kanila bilang mga "living legends", na nakatuntong na sa isang siglo ang buhay.

Ipinaabot ni Municipal Administrator, Atty. Aleanna Joy F. Gelido, ang kanyang pagbati sa mga benepisyaryo at sa kanilang pamilya. Ipinahayag din niya ang pag-asang mas marami pang matatanda mula sa malalayong barangay ng Tboli, ang nawa'y matukoy, sa tulong ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO-Tboli), upang mabigyan ng nararapat na benepisyo. Paalala pa niya, na sana ay magamit ang Cash Gift sa mga importanteng pangangailangan ng mga matatanda.

Binigyang-suporta naman ni MSWD Officer Jerry Magbanua, RSW, ang saloobin ni Atty. Gelido, at sinabing magpapatuloy ang kanilang pakikipagtulungan upang makahanap ng mga benipisyaryo na may tamang dokumento at katibayan, na magsusuporta sa kanilang naabot na edad. Ganoon rin ang naging mensahe ni NCSC XII Regional Director, Rocelle Gajete-Oco, MD, DOCOM. Ayon sa kanya, umaasa siyang mas marami pang katutubong Centenarian ang maabot ng lokal na pamahalaan, upang mabigyan ng pagkilala ng bansa.

Samantala, nagpadala naman ng mensahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamagitan ng isang liham. Sinabi ng Pangulo na isang tunay na inspirasyon ang kanilang sangdaang taong buhay na puno ng tagumpay, katatagan, at kabutihan, habang idinalangin ang patuloy na magandang kalusugan at kagalakan, kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. (Choice L. Naceda, MIO News Team)

Vice Mayor Dela Peña, nakiisa sa VMLP 3rd Quarter 2026 NEB Meeting at 3rd Conference of the Academy of Presiding Officer...
05/09/2026

Vice Mayor Dela Peña, nakiisa sa VMLP 3rd Quarter 2026 NEB Meeting at 3rd Conference of the Academy of Presiding Officers

Aktibong lumahok si Municipal Vice Mayor, Hon. Ronie L. Dela Peña, ng Tboli, South Cotabato, sa 𝑉𝑖𝑐𝑒 𝑀𝑎𝑦𝑜𝑟𝑠’ 𝐿𝑒𝑎𝑔𝑢𝑒 𝑜𝑓 𝑡ℎ𝑒 𝑃ℎ𝑖𝑙𝑖𝑝𝑝𝑖𝑛𝑒𝑠 (𝑉𝑀𝐿𝑃) 3𝑟𝑑 𝑄𝑢𝑎𝑟𝑡𝑒𝑟 2026 𝑁𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛𝑎𝑙 𝐸𝑥𝑒𝑐𝑢𝑡𝑖𝑣𝑒 𝐵𝑜𝑎𝑟𝑑 (𝑁𝐸𝐵) 𝑀𝑒𝑒𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑎𝑡 3𝑟𝑑 𝐶𝑜𝑛𝑓𝑒𝑟𝑒𝑛𝑐𝑒 𝑛𝑔 7𝑡ℎ 𝐴𝑐𝑎𝑑𝑒𝑚𝑦 𝑜𝑓 𝑃𝑟𝑒𝑠𝑖𝑑𝑖𝑛𝑔 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒𝑟𝑠 (𝐴𝑃𝑂), na ginanap nitong Setyembre 2-4, 2026 sa The Manila Hotel, Manila City.

Pinangasiwaan ng VMLP ang pagtitipon, katuwang ang UP Public Administration Research and Extension Services Foundation (UPPAF), Inc., at dinaluhan ng humigit-kumulang 500 Pangalawang Punong Bayan at Pangalawang Punong Lungsod mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nagbigay ng mensahe si Hon. Maynard Francis R. Bumanglag, Vice Mayor ng Pinili, Ilocos Norte at VMLP National President. Kabilang din sa mga pangunahing opisyal ng VMLP na tampok sa pagtitipon ay sina Hon. Anthony DLS. Suva, Vice Mayor ng Mandaluyong City at VMLP National Chairman, at Hon. Jose Angelo Rafael E. Agcaoili, Vice Mayor ng San Juan City at VMLP NCR Regional President.

Naging Panauhing Tagapagsalita naman si Former Supreme Court Associate Justice, Antonio T. Carpio, na nagbahagi ng kaniyang kaalaman hinggil sa mahahalagang usapin sa batas at pamamahala.

Kabilang sa mga pangunahing paksang tinalakay sa kumperensya ay ang mga sumusumod:

✔️Philippine Island Territories in the West Philippine Sea;
✔️Ensuring Evidence-Based Legislation;
✔️Leading Policy Evaluation for Oversight;
✔️Updates on E-Legis Reference System;
✔️Strategic Communications; at
✔️Participatory Research Survey and Plenary Sessions Evaluation

Sa learning session na, “𝐿𝑒𝑎𝑑𝑖𝑛𝑔 𝑃𝑜𝑙𝑖𝑐𝑦 𝐸𝑣𝑎𝑙𝑢𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 𝑓𝑜𝑟 𝑂𝑣𝑒𝑟𝑠𝑖𝑔ℎ𝑡” tinalakay ni Atty. Benedict Gonzales ang kahalagahan ng Policy Evaluation, bilang bahagi ng mahusay na oversight at paggawa ng mga desisyong nakabatay sa pagsusuri at ebidensya.

Samantala, ibinahagi naman ni Prof. Simeon A. Ilago, Publications Office Director at Associate Professor ng University of the Philippines National College of Public Administration and Governance (UP NCPAG), ang konsepto ng “𝐸𝑛𝑠𝑢𝑟𝑖𝑛𝑔 𝐸𝑣𝑖𝑑𝑒𝑛𝑐𝑒-𝐵𝑎𝑠𝑒𝑑 𝐿𝑒𝑔𝑖𝑠𝑙𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛”, na nakatuon sa paggamit ng sapat at maaasahang datos sa pagbuo ng mga lokal na polisiya at batas.

Ipinakilala rin sa pagtitipon ang Participatory Policy Research (PPR), isang inisyatibong gumagamit ng Consultative Surveys, upang makalikom ng pananaw at datos mula sa mga Vice Mayor hinggil sa mahahalagang usapin sa lokal na pamahalaan. Layunin nitong makatulong sa pagbuo ng mga knowledge materials gaya ng Policy Briefs, Advisory Notes at Position Papers, sa pakikipagtulungan sa Center for Local and Regional Governance (CLRG). Nagkaroon rin ng A.P.O. Session B para sa mga 2nd Term at 3rd Term Vice Mayors, gayundin and Committee Chairperson and Provincial President Briefing and Consultation.

Layunin ng naturang mga aktibidad na higit pang mapalakas ang kaalaman, kasanayan at kakayahan ng mga Vice Mayor, bilang Presiding Officers ng mga Lokal na Sanggunian, at maisulong ang mas mahusay, makabuluhan at Evidence-Based na Legislative Governance sa mga lokal na pamahalaan.

Sa pamamagitan ng pakikilahok ng mga Vice Mayor sa naturang pambansang pagtitipon, nabibigyan ang mga ito ng pagkakataong makipagpalitan ng kaalaman at karanasan sa kapwa lokal na opisyal at mga eksperto, na maaaring maiangkop sa pagpapahusay ng mga polisiya, programa at serbisyong para sa mamamayan na kanilang pinaglilingkuran. (Lea A. Panoy, MIO News Team/Photos by VMLP)

04/09/2026

APD “ACE” PAYS COURTESY CALL ON T’BOLI MAYOR AND 3RD DISTRICT REPRESENTATIVE

PCOL ISRALENE Z LAUREN, Acting Provincial Director of the South Cotabato Police Provincial Office (SCPPO), paid a courtesy call on Hon. Keo Dayle T. Tuan, Municipal Mayor of T’boli, and Hon. Dibu S. Tuan, Representative of the 3rd District of South Cotabato.

The cordial meeting highlighted the importance of sustained coordination and collaboration between the PNP and local leaders in advancing peace and order, public safety, and community development.

The courtesy call further strengthened SCPPO’s partnership with local stakeholders toward safer and more peaceful communities, anchored on APD “ACE’s” guiding principles of Accountability, Care, and Excellence.





Road Clearing at Site Preparation kaugnay ng bagong Road Concreting Project sa Purok Tanco I ng Barangay Poblacion, isin...
04/09/2026

Road Clearing at Site Preparation kaugnay ng bagong Road Concreting Project sa Purok Tanco I ng Barangay Poblacion, isinagawa

Sisimulan na ng BLGU Poblacion sa Tboli, South Cotabato, ang isang Road Concreting Project na naglalayong mas mapabuti ang kalagayan ng transportasyon, mapabilis ang pagbibiyahe at accessibility, at masiguro ang kaligtasan ng mga residente at mga motorista sa Purok Tanco I, maging ng mga karatig Purok at Sitio nito.

Bilang paghahanda sa pagsisimula ng proyekto, nagtulungan ang BLGU Poblacion at LGU-Tboli, sa pakikipagtulungan ng Motorpool Unit, sa paglilinis ng daanan, pagtatanggal ng mga nakaharang na puno at halaman, at paghahakot at pagtatambak ng lupa.

Nagpahayag naman ng kanyang taos-pusong pasasalamat si Barangay Captain, Hon. Kaine Abelardo T. Serofia, sa suporta ng tanggapan ni Hon. Mayor Keo Dayle T. Tuan, ng LGU-Tboli, at Hon. Cong. Datu Dibu S. Tuan, ng 3rd Congressional District Office of South Cotabato, sa natanggap na suporta kaugnay ng nasabing proyekto. (Lea A. Panoy, MIO News Team)

04/09/2026

NDRRMC ADVISORY: HAZE Alert! Protektahan ang sarili laban sa haze, iwasan ang matagal na paglabas. Magsuot ng N95 o katumbas na mask at manatiling updated.

Fun Run at Tree Planting Activity, isinagawa kaugnay ng ika-126 PCSA na selebrasyon ng LGU-TboliPinagsama ng mga kawani ...
04/09/2026

Fun Run at Tree Planting Activity, isinagawa kaugnay ng ika-126 PCSA na selebrasyon ng LGU-Tboli

Pinagsama ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Tboli ang pagsusulong ng kalusugan at pangangalaga sa kalikasan, sa isinagawang Fun Run at Tree Planting Activity ngayong araw, Setyembre 4, 2026, bilang bahagi ng paggunita sa ika-126 Taong Anibersaryo ng Philippine Civil Service.

Nagsimula ang Fun Run sa Knoon Monument at nagtapos sa Arboretum/Eco Park, Sitio Bayabas, Barangay Afus, Tboli, South Cotabato, kung saan isinagawa ang Tree Planting Activity.

Maagang nagtipon ang mga kalahok para sa Assembly at Registration simula 5:00 hanggang 5:30 ng umaga. Sinundan ito ng Pre-Race Briefing at Warm-Up bago ang opisyal na Gun Start ganap na 5:45 ng umaga.

Mahigit 200 punongkahoy ang naitanim sa Barangay Afus matapos ang Fun Run. Kabilang sa mga itinanim ay ang mga katutubong uri ng punongkahoy tulad ng Yakal, Molave, at Lawaan, na bahagi ng hakbang upang mapanatili at mapalawak ang luntiang kapaligiran sa lugar.

Nakiisa sa aktibidad sina Municipal Councilor, Hon. Kirk T. Tuan, at Municipal Administrator, Atty. Aleanna Joy F. Gelido, na parehong nagpaabot ng mensahe ng suporta at pasasalamat sa mga kawani, at iba pang kalahok na naging bahagi ng matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad.

Sa temang, “𝐵𝑎𝑤𝑎𝑡 𝐾𝑎𝑤𝑎𝑛𝑖, 𝐿𝑖𝑛𝑔𝑘𝑜𝑑 𝐵𝑎𝑦𝑎𝑛𝑖: 𝑃𝑢𝑠𝑜, 𝐷𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙, 𝑎𝑡 𝐺𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎 𝐵𝑎𝑦𝑎𝑛", binigyang-diin ng aktibidad ang kahalagahan ng pagiging aktibo at responsable ng mga kawani, hindi lamang sa kanilang tungkulin sa pamahalaan, kundi maging sa pangangalaga sa kalusugan at sa kapaligiran. Layunin din ng aktibidad na palakasin ang physical fitness, environmental awareness, at pakikilahok ng komunidad, kasabay ng pagsusulong ng mas malinis, luntian, at sustenableng bayan ng Tboli.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, ipinamalas ng mga kalahok na ang diwa ng pagiging “Lingkod Bayani” ay naipapakita hindi lamang sa serbisyo publiko, kundi sa konkretong mga hakbang na nakatutulong sa komunidad at sa pangangalaga sa kalikasan para sa mga susunod na henerasyon. (Lea A. Panoy, MIO News Team)

04/09/2026
03/09/2026

Address

Barangay Poblacion, Tboli, South Cotabato
T�Boli

Telephone

+63832371014

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Government of Tboli posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category