02/06/2026
June 2, 2026
PhilHealth Profiling at Registration sa Lamoiyan Corporation
Isinagawa ang PhilHealth Profiling at Registration Activity sa Lamoiyan Corporation sa pangunguna ni Dra. Marife Ricohermoso at ng City Health Office bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mailapit ang mga serbisyong pangkalusugan at mga benepisyo ng PhilHealth sa mga manggagawa at mamamayan.
Bilang kinatawan ni Punong Barangay Chaqui Cortez at ng 13th Council ng Barangay Sun Valley, dumalo si Barangay Secretary Banjo Sedigo Maure upang ipakita ang suporta ng pamunuan sa programang naglalayong mapalawak ang access ng bawat isa sa mga serbisyong pangkalusugan at social protection.
Patuloy ang pakikipagtulungan ng Barangay Sun Valley sa mga ahensya ng pamahalaan at iba't ibang sektor upang matiyak na ang mga programang pangkalusugan ay mas maging abot-kamay ng bawat mamamayan.