23/04/2026
📢 ANNOUNCEMENT | TATHBEET PROGRAM ACCEPTED APPLICANTS
Alhamdulillah! Ipinapaalam namin na mula sa 49 na nagparehistro, ang mga pangalang nasa listahan ay sila lamang ang nakapag-Muqabalah at matagumpay na nakapasa para sa Tathbeet Program.
Ito ay patunay ng kanilang pagsisikap, paghahanda, at dedikasyon sa pag-aaral ng Qur’an. Nawa’y patuloy kayong patnubayan at pagpalain ni Allah sa inyong paglalakbay sa pagpapatibay (Tathbeet) ng Kanyang Aklat.
📅 Ang pasukan ay sa May 15, in shaa Allah. Mangyaring maghanda at sumunod sa mga susunod na anunsyo para sa detalye ng orientation at schedule.
📩 Para sa mga nakapag-register ngunit hindi nakapag-Muqabalah, maaari pa kayong humabol. Mag-message lamang sa official page upang makapagpa-schedule ng Muqabalah, sapagkat may 5 to 10 slots pa na available.
🎒 Para sa mga nakapasa, mangyaring dalhin ang inyong mga kinakailangang gamit tulad ng:
• Uniform
• White thobe
• At iba pang personal na gamit na kakailanganin ninyo sa loob ng Ma’had
📖 “Ang pinakamabuti sa inyo ay ang nag-aaral ng Qur’an at nagtuturo nito.”
Para sa mga hindi pinalad sa pagkakataong ito, huwag mawalan ng pag-asa—ipagpatuloy ang pagsisikap at paghahanda para sa susunod na oportunidad, in shaa Allah.