04/09/2026
𝐏𝐁𝐁𝐌, 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐁𝐔𝐌𝐈𝐒𝐈𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐑𝐆𝐘. 𝐒𝐓𝐀. 𝐅𝐄, 𝐒𝐀𝐍 𝐌𝐀𝐑𝐂𝐄𝐋𝐈𝐍𝐎; 𝐓𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐀𝐍, 𝐈𝐍𝐈𝐇𝐀𝐓𝐈𝐃
Personal na bumisita ngayong araw si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Brgy. Sta. Fe, San Marcelino, Zambales upang ihatid at ipamahagi ang mga kinakailangang tulong mula sa Pambansang Pamahalaan sa mga kababayang naapektuhan ng kalamidad.
Sinalubong ng Punong Lalawigan ng Zambales, Gov. Jun Ebdane, ang Pangulo, kasama ang mga kinatawan ng iba’t ibang National Government Agencies. Nakiisa rin sa pagsalubong sina Deputy Speaker at 1st District Cong. Jay Khonghun, 2nd District Congw. Doris Maniquiz, San Marcelino Mayor Elvis R. Soria, Vice Mayor Jimbo Gongora, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at mga opisyal ng Brgy. Sta. Fe.
Sa kanyang pagbisita, tiniyak ni Pangulong Marcos ang patuloy na suporta ng Pambansang Pamahalaan upang matulungan ang Brgy. Sta. Fe na makabangon at muling maibalik ang normal na pamumuhay ng mga residente.
Kasabay ng agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan, isinusulong din ang pangmatagalang mga solusyon upang matugunan ang mga suliraning dulot ng kalamidad at mapalakas ang seguridad at kapakanan ng mga komunidad.
Ikaw, Ako