31/03/2026
Isinagawa ang 3-Day Basic Water Safety Training noong March 25โ27 bilang paghahanda sa nalalapit na Summer Vacation (SumVac).
Katuwang ang PDRRMO Water Search and Rescue Personnel at ang Emergency Medical Services Team na nagsilbing mga facilitator, ang Sual MDRRMO, kasama ang Tourism Office at mga lifeguard mula sa ibaโt ibang resort sa munisipalidad, ay aktibong nakibahagi sa nasabing pagsasanay.
Ilan sa mga isinagawang aktibidad ay ang Basic Life Support (BLS) at CPR, life-saving techniques, ropemanship, swimming practices, at rubber boat at outboard motor maneuvering techniques. Nagkaroon din ng ibaโt ibang physical exercises ang mga kalahok bilang paghahanda at pagkukundisyon ng kanilang mga katawan bago sumabak sa mga aktwal na gawain.
Layunin ng training na mapalakas ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa water safety at rescue response upang masiguro ang kaligtasan ng lahat ngayong tag-init.