02/06/2026
🌊 ALAMIN. PANSININ. KUMILOS! 🌊
Ang tsunami ay maaaring dumating anumang oras matapos ang malakas na lindol sa ilalim ng dagat kaya mahalagang maging handa at alerto ang bawat isa. Narito ang ilang mahahalagang paalala para sa kaligtasan ng lahat:
⚠️ MGA PALATANDAAN NG TSUNAMI:
• Malakas o matagal na lindol
• Biglaang pagtaas o pagbaba ng tubig sa dagat
• Malakas na ugong o kakaibang tunog mula sa dagat
📢 KAPAG MAY BABALA NG TSUNAMI:
• Agad pumunta sa mataas at ligtas na lugar
• Magtungo sa pinakamalapit na evacuation area
• Dalhin ang inyong emergency o “go bag”
• Manatili sa evacuation area hanggang sa ideklarang ligtas na bumalik
📻 MAKINIG SA MGA ABISO:
• Radyo
• Sirena sa labas
• Cellphone alerts at text messages
• Telebisyon
• Tawag o anunsyo mula sa lokal na awtoridad
✅ Tandaan:
• Alamin ang evacuation areas sa inyong barangay
• Makinig at sumunod sa mga opisyal na anunsyo
• Magplano kasama ang pamilya para sa oras ng sakuna
Ang tamang kaalaman at maagap na pagkilos ang susi upang makaiwas sa panganib. Maging handa, maging alerto, at sama-sama nating pangalagaan ang kaligtasan ng bawat isa.
Kaligtasan natin, responsibilidad nating lahat!