10/05/2026
Isinagawang Barangay Assembly Day 2026 sa Barangay Kuya, South Upi, Maguindanao del Sur
Matagumpay na isinagawa ang 1st Semester CY 2026 Barangay Assembly Day noong Mayo 9, 2026 sa Barangay Kuya Covered Court, South Upi, Maguindanao del Sur sa pangunguna ng masipag at aktibong Punong Barangay na si Hon. Victor Duran Lumao, kasama ang buong Barangay Council at mga kawani ng barangay.
Dumalo rin bilang suporta at pakikiisa ang butihing Mayor ng South Upi na kilala bilang โIna ng South Upi,โ Hon. Helen Benito Padua, kasama ang ibaโt ibang kinatawan mula sa hanay ng kapulisan, militar, edukasyon, disaster response, business sector, tribal leaders, kabataan, at iba pang sektor ng komunidad.
Kabilang sa mga panauhing dumalo ay sina:
SFO3 Arnold P. Pojas, PMSG Nestor Estacio Jr. โ MPS Representative,JPST Aratuc Z. Maulana,Sir Tirso I. Sarion, CSO Edgardo D. Calantungan Jr.
Sir Michael Bibaoco โ MDRRMO, Maโam Juvelyn R. Cadavero, RM, Sir Arnold Delos Ama โ Tuladan ES
Reynan Kaquilala โ Business Sector, Cpt. Diomar E. Padillon โ Commanding Officer, 57IB, 6ID PA
Sa nasabing pagtitipon ay tinalakay at iniulat sa mamamayan ang mga mahahalagang programa, proyekto, accomplishments, at financial transparency ng barangay para sa unang semestre ng taong 2026.
Kabilang sa mga pangunahing accomplishments at proyekto ng Barangay Kuya ay ang:
โ
Pagpapagawa at pagkukumpuni ng Child Development Center
โ
Repair ng Barangay Hall kabilang ang opisina ng Punong Barangay, Barangay Secretary at Treasurer
โ
Paglalagay ng solar street lights upang mapabuti ang seguridad at kaliwanagan sa barangay
โ
Pagtatayo ng Barangay Tanod Outpost para sa mas maayos na pagbabantay ng mga tanod
โ
Installation ng solar lights sa covered court upang makatipid sa kuryente at makatulong sa mga kabataang nag-aaral sa gabi
โ
Pagpapatayo ng multi-purpose buildings sa Sitio Walew Ideng at Sitio Melaya
โ
Water system project sa Sitio Fengalungon
Ipinakita rin sa assembly ang mga programa ng barangay sa larangan ng kapayapaan at kaayusan, kalusugan, disaster preparedness, women and children protection, youth development, environmental management, at livelihood support.
Tinalakay din ang ibaโt ibang pondo at programa tulad ng:
โขPersonal Services Fund
โขEconomic Fund
โขBDRRM Fund
โขGAD Program
โขBCPC Program
โขSenior Citizen Programs
โขPeace and Order initiatives
Kabilang sa mga community-based accomplishments ang:
โ
Road clearing operations at clean-up drives
โ
Solid waste segregation at waste management program
โ
Backyard gardening at HAPAG initiatives
โ
Continuous registration ng Kasambahay
โ
Libreng barangay certification para sa first-time jobseekers
โ
BADAC activities at monitoring ng PWUDs
โ
Trainings para sa BPATs/Tanod at iba pang volunteers
โ
Pagsuporta sa women organizations, drivers association, tribal councils, at youth sectors
Binigyang-diin ni Hon. Victor Duran Lumao ang kahalagahan ng pagkakaisa, transparency, at aktibong partisipasyon ng mamamayan upang higit pang mapaunlad ang Barangay Kuya.
Nagpasalamat naman si Mayor Hon. Helen Benito Padua sa patuloy na suporta at kooperasyon ng mga residente at pinuri ang pamunuan ng barangay sa kanilang mahusay na pamamalakad at mga proyektong tunay na nakakatulong sa komunidad.
Naging matagumpay ang buong programa sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan, mga ahensya ng gobyerno, security sector, civil society organizations, tribal leaders, at mamamayan ng Barangay Kuya tungo sa mas maunlad, mapayapa, at matatag na komunidad.