13/09/2026
🧹🌿 BARANGAY CLEAN-UP DRIVE | SETYEMBRE 13, 2026
Isinagawa ang Barangay Clean-Up Drive sa Guinlajon, Macabog, Tugos, Pamurayan, Peñafrancia, San Isidro, Buenavista, Basud at Ticol bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng malinis, ligtas, at malusog na pamayanan.
Maraming salamat sa Barangay Council, mga Barangay Midwives, BHWs, at mga residente sa kanilang aktibong pakikiisa at pagtutulungan, kasama ang aming Nurse na si Ms. Reginne Ladesma Hayno
Sa sama-samang pagkilos, sama-sama nating maiiwasan ang pagdami ng lamok, mapipigilan ang dengue, at mapapanatili ang kalinisan ng ating komunidad.
Malinis na kapaligiran, malusog na pamayanan! 💚🦟🚫