Public Information Office- Sorsogon City

Public Information Office- Sorsogon City The premier bridge to information between the government and the public.

MGA ESTUDYANTE SA SORSOGON CITY, NAKATANGGAP NG ₱5,000 EDUCATIONAL ASSISTANCEJune 2,2026 | Bibincahan Gymnasium Nakatang...
02/06/2026

MGA ESTUDYANTE SA SORSOGON CITY, NAKATANGGAP NG ₱5,000 EDUCATIONAL ASSISTANCE

June 2,2026 | Bibincahan Gymnasium

Nakatanggap ng tig-₱5,000 Educational Assistance ang mga estudyante mula sa iba't ibang bahagi ng Sorsogon City sa isinagawang pamamahagi sa Bibincahan Gymnasium nitong Hunyo 2, 2026.

Dumalo sa programa sina Mayor Ester Hamor, Cong. Dette Escudero, at mga Konsehal na sina Angelu Magda Ravanilla, Lester Lubiano, Bhem Dioneda, at Thess Hamor Gonzalez upang ipakita ang kanilang suporta sa mga mag-aaral na benepisyaryo ng educational assistance.

Bukod sa educational assistance, nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng bigas at grocery packs na personal na ipinagkaloob ni Mayor Ester Hamor.

Ang programa ito ay makakatulong sa mga gastusin sa edukasyon sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Malaking tulong ang assistance para sa pagbili ng school supplies at iba pang pangangailangan sa paaralan. Patuloy namang isinusulong ng pamahalaan ang mga programang nagbibigay-suporta sa edukasyon upang mas maraming kabataan ang magkaroon ng pagkakataong maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

CONGRATULATIONS, SORSOGON CITY!Kinilala ang Sorsogon City bilang National Conferee sa 2025 Child-Friendly Local Governan...
01/06/2026

CONGRATULATIONS, SORSOGON CITY!

Kinilala ang Sorsogon City bilang National Conferee sa 2025 Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA), isang mahalagang pagkilala sa patuloy nitong pagsisikap na pangalagaan ang kapakanan, karapatan, at kinabukasan ng bawat batang Sorsoganon.

Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pang palakasin ang mga programang nagtataguyod ng isang ligtas, inklusibo, at child-friendly na lungsod para sa lahat.

BAGONG LIFEGUARDS AT FIRECARTS, DADAGDAG SA KALIGTASAN NG MGA SORSOGANONNagtapos ang 1st at 2nd Batch ng Sorsogon City L...
31/05/2026

BAGONG LIFEGUARDS AT FIRECARTS, DADAGDAG SA KALIGTASAN NG MGA SORSOGANON

Nagtapos ang 1st at 2nd Batch ng Sorsogon City Lifeguarding Training noong Mayo 29 sa Sorsogon City Hall Lobby, kasabay ng turnover ng mga firecart sa ilang barangay. Bahagi ito ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan ng mga komunidad sa pagtugon sa mga emergency at sakuna.

Sa loob ng limang araw na pagsasanay, sumailalim ang mga kalahok sa iba't ibang lecture at praktikal na pagsasanay sa water safety, basic life support, rescue techniques, at paggamit ng rescue equipment. Inihanda sila upang makatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan sa mga pampublikong paliguan, beach, at resort sa lungsod.

Inaasahang mas mapapabilis ang pagtugon sa mga emergency sa mga komunidad sa tulong ng mga bagong sinanay na lifeguard at mga firecart. Makakatulong din ang mga ito upang mas mapalakas ang kaligtasan sa karagatan at maiwasan ang mga aksidente.

𝑩𝑨𝑳𝑰𝑻𝑨𝑵𝑮 𝑪𝑰𝑼𝑫𝑨𝑫, 𝑨𝑲𝑺𝒀𝑶𝑵 𝑨𝑮𝑨𝑫 | Pansamantalang sinuspinde ng City Government of Sorsogon ang koleksyon ng buwanang upa sa...
28/05/2026

𝑩𝑨𝑳𝑰𝑻𝑨𝑵𝑮 𝑪𝑰𝑼𝑫𝑨𝑫, 𝑨𝑲𝑺𝒀𝑶𝑵 𝑨𝑮𝑨𝑫 | Pansamantalang sinuspinde ng City Government of Sorsogon ang koleksyon ng buwanang upa sa lahat ng pampublikong palengke para sa Hunyo at Hulyo 2026 upang mabigyan ng ginhawa ang mga stallholder na apektado ng kasalukuyang krisis sa enerhiya.

𝗠𝗔𝗬 𝟮𝟳, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | Idineklara bilang regular holiday sa buong bansa ang pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice, bila...
25/05/2026

𝗠𝗔𝗬 𝟮𝟳, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | Idineklara bilang regular holiday sa buong bansa ang pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice, bilang paggunita sa isa sa pinakamahalagang okasyon sa pananampalatayang Islam.

𝑩𝑨𝑳𝑰𝑻𝑨𝑵𝑮 𝑪𝑰𝑼𝑫𝑨𝑫 | Seminar sa Ethics at Efficient Public Service, Idinaos para sa mga Kawani ng LGUIdinaos ng Pamahalaang...
25/05/2026

𝑩𝑨𝑳𝑰𝑻𝑨𝑵𝑮 𝑪𝑰𝑼𝑫𝑨𝑫 | Seminar sa Ethics at Efficient Public Service, Idinaos para sa mga Kawani ng LGU

Idinaos ng Pamahalaang Panlungsod ang seminar na pinamagatang “𝗘𝘁𝗵𝗶𝗰𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗘𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗲𝗻𝗰𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗘𝘃𝗲𝗿𝘆 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗮𝗻𝘁: 𝗔 𝗨𝗻𝗶𝗳𝗶𝗲𝗱 𝗔𝗽𝗽𝗿𝗼𝗮𝗰𝗵 𝘁𝗼 𝗥𝗔 𝟲𝟳𝟭𝟯 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝗥𝗧𝗔-𝗘𝗢𝗗𝗕” na dinaluhan ng mga personnel at department head mula sa iba’t ibang tanggapan ng lungsod. Layunin nitong paigtingin ang kaalaman ng mga kawani hinggil sa etikal na pamamahala, propesyonalismo, at episyenteng pagbibigay-serbisyo sa publiko alinsunod sa Republic Act 6713 at ARTA-EODB.

Naging resource speaker sa aktibidad si 𝗝𝘂𝗱𝗴𝗲 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗲 𝗟𝗼𝘂𝗶𝘀𝗲 𝗔. 𝗚𝘂𝗮𝗻-𝗔𝗿𝗮𝗴𝗼𝗻, Dean ng Aemilianum College of Law, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng integridad, pananagutan, at mahusay na pagganap ng bawat lingkod-bayan. Inaasahang magsisilbing gabay ang seminar sa patuloy na pagpapabuti ng serbisyo ng lokal na pamahalaan.

𝑩𝑨𝑳𝑰𝑻𝑨𝑵𝑮 𝑪𝑰𝑼𝑫𝑨𝑫 | Sorsogon City, Mas Pinalalim ang Pagmamalasakit sa Empleyado sa Pamamagitan ng Mental Health Awareness...
21/05/2026

𝑩𝑨𝑳𝑰𝑻𝑨𝑵𝑮 𝑪𝑰𝑼𝑫𝑨𝑫 | Sorsogon City, Mas Pinalalim ang Pagmamalasakit sa Empleyado sa Pamamagitan ng Mental Health Awareness Workshop

May 19,2026
SP Session Hall, Cityhall Building

Matagumpay na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Sorsogon City ang “𝗣𝗲𝗲𝗿 𝗪𝗲𝗹𝗹𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗲 𝗪𝗼𝗿𝗸𝘀𝗵𝗼𝗽: 𝗣𝗿𝗼𝗺𝗼𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗲𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗪𝗲𝗹𝗹-𝗕𝗲𝗶𝗻𝗴 𝗳𝗼𝗿 𝗦𝗼𝗿𝘀𝗼𝗴𝗼𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗲𝗺𝗽𝗹𝗼𝘆𝗲𝗲𝘀”. Tinalakay sa programa ang kahalagahan ng mental health awareness, stress management, at peer support upang mapanatili ang positibo at maayos na working environment sa pamahalaan.

Ayon kay 𝗛𝗼𝗻. 𝗔𝗻𝗴𝗲𝗹𝘂 𝗥𝗮𝘃𝗮𝗻𝗶𝗹𝗹𝗮, City Councilor ng East District, naniniwala siya na “𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵𝘆 𝗠𝗶𝗻𝗱𝘀 𝗕𝘂𝗶𝗹𝗱 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵𝗶𝗲𝗿 𝗖𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀,” kung saan ito ay kanyang tugon sa kahalagahan ng mental health ng mga empleyado bilang pundasyon ng mahusay at makataong serbisyo publiko. Nagpasalamat din siya sa pamahalaang lungsod sa butihing Mayor Ester Hamor, In Touch Community Services, City Health Office sa pangunguna nina Dr. Dealca at Dra. Calleja, gayundin kina Mark Jamisola at Thess Gonzalez sa kanilang suporta sa programa.

𝟭𝟬+𝟭+𝟭 𝗔𝗚𝗘𝗡𝗗𝗔 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘𝗦 | 28 MAGSASAKA SA BRGY. BIBINCAHAN, NAGSIPAGTAPOS SA FARMER FIELD SCHOOL PROGRAMMay 21,2026 Brgy. ...
21/05/2026

𝟭𝟬+𝟭+𝟭 𝗔𝗚𝗘𝗡𝗗𝗔 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘𝗦 | 28 MAGSASAKA SA BRGY. BIBINCAHAN, NAGSIPAGTAPOS SA FARMER FIELD SCHOOL PROGRAM

May 21,2026
Brgy. Bibincahan Gymnasium

Matagumpay na nagtapos ang 28 magsasaka mula sa Barangay Bibincahan sa isinagawang 𝗚𝗿𝗮𝗱𝘂𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗲𝗿𝗲𝗺𝗼𝗻𝘆 𝗻𝗴 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿 𝗙𝗶𝗲𝗹𝗱 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗙𝗙𝗦) nitong Mayo 21, 2026 ganap na alas-8:00 ng umaga sa Brgy. Bibincahan Gymnasium.

Pinangunahan ng Farmer Field School (FFS) sa pakikipagtulungan ng City Agricultural and
Biosystems Engineering Office ang naturang programa na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga magsasaka sa 𝙢𝙖𝙠𝙖𝙗𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙢𝙖𝙢𝙖𝙧𝙖𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙖𝙨𝙖𝙠𝙖 at 𝙥𝙖𝙜𝙥𝙖𝙥𝙖𝙩𝙖𝙖𝙨 𝙣𝙜 𝙥𝙧𝙤𝙙𝙪𝙠𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙡𝙖𝙮 𝙜𝙖𝙢𝙞𝙩 𝙖𝙣𝙜 𝙧𝙞𝙘𝙚 𝙢𝙚𝙘𝙝𝙖𝙣𝙞𝙯𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙩𝙚𝙘𝙝𝙣𝙤𝙡𝙤𝙜𝙮.

Bahagi ang programa sa patuloy na pagsusulong ng modernisasyon sa agrikultura upang mapalakas ang rice production at mapataas ang kakayahan ng mga lokal na magsasaka na makasabay sa makabagong teknolohiya sa pagsasaka. Kasabay nito, nagpaabot din ng grocery packs si Mayor Ester Hamor sa mga nagsipagtapos bilang pagkilala at suporta sa kanilang pagsisikap na mapalawak ang kanilang kaalaman sa modernong pagsasaka

Sa ginanap na seremonya, ibinahagi ng mga kalahok ang kanilang mga natutunan hinggil sa 𝗺𝗼𝗱𝗲𝗿𝗻 𝗳𝗮𝗿𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗲𝗰𝗵𝗻𝗶𝗾𝘂𝗲𝘀, 𝘄𝗮𝘀𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗻𝗶𝗺, at 𝗽𝗮𝗴𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁𝗮𝗻 sa agrikultura upang mas mapabuti ang ani at kabuhayan ng mga magsasaka.

Ayon sa mga tagapangasiwa ng programa, mahalagang mapalawak ang kaalaman ng mga magsasaka upang higit na mapalakas ang produksyon at mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa lungsod. Inaasahan ding magpapatuloy ang mga ganitong programa upang mas marami pang magsasaka sa Sorsogon City ang makinabang sa makabagong pamamaraan ng pagsasaka.

𝟭𝟬+𝟭+𝟭 𝗔𝗚𝗘𝗡𝗗𝗔 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘𝗦  | MGA TENEMENT HOUSING SA APAT NA BARANGAY, PINASINAYAAN PARA SA MGA BENEPISYARYONG PAMILYAKamaka...
20/05/2026

𝟭𝟬+𝟭+𝟭 𝗔𝗚𝗘𝗡𝗗𝗔 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘𝗦 | MGA TENEMENT HOUSING SA APAT NA BARANGAY, PINASINAYAAN PARA SA MGA BENEPISYARYONG PAMILYA

Kamakailan ay pinasinayaan ang mga tenement housing sa San Jose, Maricrum, Sirangan, at Sampaloc sa ilalim ng Taas Noo, Ciudadano Ako! Program ng 10+1+1 Agenda bilang bahagi ng patuloy na programa ng lokal na pamahalaan para sa mga nangangailangang pamilya.

Umaasa ang lokal na pamahalaan na pangangalagaan at pananatilihing maayos ng mga benepisyaryo ang mga pabahay na pansamantalang iginawad sa kanila sa ilalim ng usufruct agreement, bilang simbolo ng responsableng paninirahan at pakikiisa sa pagpapaunlad ng komunidad.

Sorsogon City, Pinaigting ang Circular Economy Initiatives sa Value Chain, Investment, at GEDSI WorkshopIpinagpatuloy ng...
20/05/2026

Sorsogon City, Pinaigting ang Circular Economy Initiatives sa Value Chain, Investment, at GEDSI Workshop

Ipinagpatuloy ng Sorsogon City Circular Economy Action Team, kasama ang mga partner stakeholders, ang ikalawang araw ng workshop tungkol sa pagmamapa ng value chains, business models, investment opportunities, at GEDSI roles para sa mga prayoridad na circular economy interventions.

Tinalakay at binalida ang mga business model batay sa naunang value chain mapping para sa plastics at organics. Tinukoy din ang mga posibleng market opportunities, pati na ang mga kailangang suporta tulad ng kagamitan, pasilidad, technical assistance, at papel ng iba’t ibang stakeholders.

Binigyang-diin din sa workshop ang pagsasama ng Gender Equality, Disability, and Social Inclusion o GEDSI sa circular economy portfolio ng lungsod, upang masigurong makabuluhan ang partisipasyon ng community groups at local stakeholders sa mga susunod na enterprise development, grants, at innovation opportunities.

♻️ Ang ay pinondohan ng Union in the Philippines bilang bahagi ng EU initiative, pinangungunahan ng DENR, at katuwang na ipinatutupad ng DILG at UNDP para suportahan ang transisyon sa circular economy.

Address

Sorsogon

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Public Information Office- Sorsogon City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Public Information Office- Sorsogon City:

Share