15/06/2026
ISANG MAKASAYSAYANG TAGUMPAY PARA SA SORSOGON!
Buong pagmamalaking binabati ni Governor Boboy Hamor ang lahat ng mga alkalde ng Lalawigan ng Sorsogon matapos makamit ng Pamahalaang Panlalawigan, Lungsod ng Sorsogon, at lahat ng labing-apat (14) na bayan ang 2025 Good Financial Housekeeping (GFH) Seal mula sa DILG.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nakamit ng buong lalawigan ang 100% compliance sa pamantayan ng maayos, tapat, at responsableng pamamahala sa pananalapi, isang patunay ng matibay na pagkakaisa at paglilingkod ng bawat lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng mabuting pamamahala at serbisyong may pananagutan sa mga Sorsoganon.
Ayon kay Governor Boboy, ang pagkilalang ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng mga alkalde, konseho, at mga empleyado ng pamahalaan sa buong Sorsogon upang matiyak na ang pondo ng bayan ay nagagamit nang wasto, malinaw, at para sa kapakinabangan ng bawat Sorsoganon.