07/09/2026
Maging malinis at responsable sa kahat ng oras ! 🏡✨
Panatilihing malinis ang bahay at paligid. Alisin ang mga basurang maaaring pag-ipunan ng tubig, takpan ang mga lalagyan ng tubig, at regular na linisin ang ating kapaligiran upang walang maging pamugaran ang lamok.
Tandaan: Ang dengue ay maaaring maiwasan kung sama-sama tayong kumikilos. 💪
❤️ Para sa kaligtasan ng ating pamilya at komunidad, ugaliin ang kalinisan araw-araw.
🧹 Malinis na kapaligiran, proteksyon laban sa dengue!
🦟 Walang pamugaran ng lamok, mas ligtas sa dengue!