15/09/2026
๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐๐ข๐ฆ๐ง-๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฆ๐ข๐๐ข๐ก | ๐ญ๐ฑ ๐ฆ๐๐ง๐ฌ๐๐ ๐๐ฅ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Suporta ng Siyensya: Tatlong MSMEs sa Sorsogon, Pormal na Lumagda ng MOA para sa Implementasyon ng SETUP
Sorsogon City | Pormal na lumagda ng Memorandum of Agreement (MOA) ang DOST-Sorsogon kasama ang tatlong micro, small, and medium enterprises (MSMEs) bilang hudyat ng opisyal na pagsisimula ng kanilang mga proyekto sa ilalim ng Small Enterprises Technology Upgrading Program (SETUP). Naglalayon ang programang ito na mapalakas ang kanilang kakayahang productivity, mapaunlad ang operasyon, mapataas ang kalidad ng produkto, at higit na mapalakas ang market competitiveness sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya at sistematikong upgrading.
Kabilang sa mga benepisyaryo ng programa ang Yaninaโs Snackbite & Minimart, Seph Pasalubong Shop, at 3G Graphic Design and Services. Upang higit na maipaliwanag ang mga probisyon, tungkulin, at mga nakatakdang pananagutan sa ilalim ng SETUP, isinagawa rin ang isang orientation para sa mga benepisyaryo. Layunin nito na matiyak ang maayos na pagpapatupad ng kani kanilang proyekto at mapalakas ang kanilang pakikibahagi sa mga itinakdang komitment para sa tagumpay ng programa.
Nasaksihan nina Engr. Sandro B. Noguera, Provincial Director ng DOST-Sorsogon, Ms. Joeve S. Calleja, Supervising Science Research Specialist, Ms. Patricia D. Andes, Science Research Specialist I, at Ms. Kristine Joy S. Orejo, Project Technical Assistant I ang naturang aktibidad. Ang kanilang presensya ay nagpapatibay sa mandato ng DOST-Sorsogon na gamitin ang agham, teknolohiya, at inobasyon bilang pangunahing mekanismo upang mapalakas ang kakayahan, mapataas ang antas ng competitiveness, at sustainable growth ng mga lokal na MSMEs sa lalawigan.
โ
โ
โ
โ
โ
โ
โ