12/05/2026
Exactly a year ago, ipinagkaloob ng taong bayan ang mandato upang magsilbi bilang kanilang konsehal. Isang pangarap ang natupad, ang makapaglingkod sa bayan kung saan ako ipinanganak, lumaki, at nagkamuwang.
Mula sa pagiging isang bagito, bata, at hindi gaanong kilalang doktor, pinagkatiwalaan tayo ng mamamayan upang maging boses nila sa Sangguniang Bayan. Sa loob ng 11 buwan ng panunungkulan, tayo po ay nakapagpasa ng 7 na ordinansa 3 ay aprubado na sa 3rd and final reading, 1 ay nakatakda para sa 2nd reading, 1 ang nakatakda para sa isang public hearing at 2 ang aprubado na sa 1st reading.
Patuloy tayong magsusulong ng mga pangmatagalang hakbang para sa kapakanan ng bawat Solanoan. At sa kabila ng anumang hamon at krisis, mananatili tayong handang makinig, umunawa, at sumuporta sa boses ng taong bayan.
Maraming salamat po sa inyong tiwala. Patuloy tayong magsisilbi nang tapat at walang kapaguran para sa Solano.
- ππ¨π§π¬π’ππ¨π ππ₯π’πππ¨π«π ππ’ππ¨
β¦ Chairman, Committee on Appropriation, Finance and Budget
β¦ Committee on Health and Sanitation
ππππ-ππππ πππππ πππππππ
πππ πππππππ ππ πππππππππππ
ONE SOLANO, LOVE SOLANO π