21/06/2026
NALPASEN SESSION, AGLINIS TAYON!
Umikot ang konseho ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Osmeña sa palibot ng Purok 6 ngayong araw, Mayo 21, 2026.
Ito ay matapos pagpasyahan ng Sangguniang Kabataan sa mosyon at pangunguna rin ng Committee Head on Environment, Hon. Princess Joy Bricenio na ilipat ang Clean-up Drive sa pagtapos ng ikalawang session bawat buwan ng Sangguniang Kabataan.
Dumalo lahat ng miyembro ng Sangguniang Kabataan na naroon din sa sessiong ginanap ngayong araw.
Muling pinapaalala ng konsehong ito na panatilihin nating malinis ang ating kapaligiran upang sakuna ay maiwasan.