27/03/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐
Matagumpay na isinagawa ang Field Tour sa DAโSouthern Cagayan Research Center Annex noong ika-12 ng Marso 2026, bilang bahagi ng Farmers Livestock School (FLS) โ Goat Enterprise Management para sa 25 individual goat raisers mula sa limang (5) barangay ng Enrile, Cagayan -- Divisoria, Lemu, Inga, Maracuru, Batu, at Magalalag.
Layunin ng aktibidad na ito na maipakita sa mga kalahok ang aktuwal na mga teknolohiya at tamang pamamaraan sa pamamahala ng kambingโmula sa wastong pagpapakain, pagpaparami, hanggang sa forage production and managementโna kanilang magagamit sa kani-kanilang sakahan.
Bilang dagdag suporta, ang mga kalahok ay nakatanggap din ng mga forage and fodder trees planting materials tulad ng Mulberry, Madre de Agua, Mani- mani, Napier grass at iba pa bilang suporta sa pagkakasakatuparan ng kanilang forage production at mapanatili ang sapat at tuloy-tuloy na suplay ng pakain para sa kanilang mga alagang kambing.
Ang nasabing field tour ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Provincial Veterinary Office sa pangunguna nina Ms. Maricel Verbo, Provincial Coordinator ng FLS, at Ms. Vilma B. Alupani, kasama ang mga kinatawan mula sa LGU Enrile na sina Mr. Pablo Bunagan at Dr. Eunice Anne Tungcul.
Ang Farmers Livestock School (FLS) ay isang anim (6) na buwang season-long training na naglalayong palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga magsasaka sa wastong pag-aalaga ng kambing, tungo sa mas mataas na produksyon at mas matatag na kabuhayan.
๐๐ถ๐ญ๐ข ๐ฌ๐ข๐ข๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ, ๐ต๐ถ๐ฏ๐จ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ข๐ฌ๐ด๐บ๐ฐ๐ฏโ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฎ๐ข๐ด ๐ฎ๐ข๐ถ๐ฏ๐ญ๐ข๐ฅ ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐จ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ถ๐ด๐ต๐ณ๐ช๐บ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ฃ๐ช๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐๐ข๐จ๐ข๐บ๐ข๐ฏ!
Istorya ni: Ms. Chlaryssa Grace G. Vergara
Kuhang litrato ni: Mr. Joshua L. Mabborang
# # #