Allan Kenneth Tolentino

Allan Kenneth Tolentino Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Allan Kenneth Tolentino, Public Service, Zone III, Socorro.

June 3, 2026🗓Verse of the day🙏
02/06/2026

June 3, 2026đź—“
Verse of the day🙏

PAG-ASA AT SUPORTA PARA SA MGA SOLO PARENTS NG SOCORRO! ❤️​Isang mahalagang pagpupulong ang matagumpay na isinagawa para...
02/06/2026

PAG-ASA AT SUPORTA PARA SA MGA SOLO PARENTS NG SOCORRO! ❤️

​Isang mahalagang pagpupulong ang matagumpay na isinagawa para sa pagbalangkas ng Ordinance Providing Cash Subsidy to Qualified Solo Parents sa ating bayan ng Socorro, Oriental Mindoro.

​Sa nasabing pagpupulong, masusing nilinaw at tinalakay ang mga alituntunin kung paano mabibigyan ng kaukulang tulong pinansyal ang bawat Solo Parent na mag-isang itinaguyod ang kanilang mga anak.

​Ang pagpupulong na ito ay pinangunahan ng Committee on Women and Family sa pangunguna ni Hon. Lilybeth S. Balzote, kasama sina Hon. Sherly Mendoza Pineda at Konsehala Nimfa Gamez. Naging katuwang din sa talakayan sina MSWDO Socorro - Oriental Mindoro Head Ma'am Sharon Rose Ylagan at Municipal Accounting Head Ma'am Aurea Manalo.

​Nagpapasalamat din tayo sa mahalagang pagdalo at suporta ng ating Butihing Vice Mayor Allan Kenneth Tolentino.

​Patuloy ang Pamahalaang Bayan sa pag-isip ng mga programang magbibigay-kalinga at magpapadali sa buhay ng ating mga bayaning solo magulang. Patuloy sa Pag-asenso, Socorro!



MAINIT NA PAGTANGGAP AT BUONG-PUSONG SUPORTA! ❤️✨​Isang malaking karangalan ang naging pagbisita ng ating natatanging Or...
02/06/2026

MAINIT NA PAGTANGGAP AT BUONG-PUSONG SUPORTA! ❤️✨

​Isang malaking karangalan ang naging pagbisita ng ating natatanging Oriental Mindoro Queen Representative, Nicole Marinay, kay Vice Mayor Allan Kenneth Tolentino.

​Sa pamamagitan ng isang mainit na pagpupulong, buong-pusong ipinaabot ng ating Bise Mayor ang kanyang personal na paghanga, kasama ang suporta at kaunting tulong pinansyal para sa patuloy na laban at adbokasiya ng ating Reyna.

​Tunay na inspirasyon ang kagandahan at talino ng isang Mindoreña! Kaisa mo ang buong tanggapan ng ating Bise Mayor sa iyong mga susunod na hakbang. Mabuhay ka, Queen Nicole! 👑



June 2, 2026🗓Verse of the day🙏
01/06/2026

June 2, 2026đź—“
Verse of the day🙏

MATAGUMPAY NA PAGTATAPOS NG ATING MGA SPES ACCOMPLISHED! 🎓💼​Isang makabuluhang araw para sa kabataang Socorreño! Matagum...
01/06/2026

MATAGUMPAY NA PAGTATAPOS NG ATING MGA SPES ACCOMPLISHED! 🎓💼

​Isang makabuluhang araw para sa kabataang Socorreño! Matagumpay na idinaos ang opisyal na pagtatapos ng programa ng Special Program for Employment of Students (SPES) sa ating bayan.

​Ang mahalagang okasyong ito ay personal na dinaluhan at sinuportahan ng ating aktibong Mayor Nemmen O. Perez The Mayor's Office - Socorro, katuwang ang ating masipag na Vice Mayor Allan Kenneth Tolentino, upang ipabot ang kanilang pagbati at pagkilala sa sipag at dedikasyon na ipinamalas ng mga mag-aaral sa loob ng kanilang panahon ng pagtatrabaho sa pamahalaan.

​Ang programang ito ay matagumpay na naisakatuparan sa pangunguna ni Ma'am Myles Kong ng Municipal Planning and Development Office (MPDO) Socorro.
​Isang pagpupugay sa ating mga SPES beneficiaries! Ang inyong karanasan ngayon ay hakbang tungo sa inyong mas maliwanag na kinabukasan. Pagpalain kayo ng Maykapal!

MATAGUMPAY NA PAGDADAOS NG 47th REGULAR SESSION NG 12th SANGGUNIANG BAYAN 🏛️✨​Matagumpay na idinaos ang 47th Regular Ses...
01/06/2026

MATAGUMPAY NA PAGDADAOS NG 47th REGULAR SESSION NG 12th SANGGUNIANG BAYAN 🏛️✨

​Matagumpay na idinaos ang 47th Regular Session ng 12th Sangguniang Bayan of Socorro, sa pangunguna ng ating masipag na bise alkalde, Vice Mayor Allan Kenneth Tolentino.

Sa pagpupulong na ito, patuloy na tinalakay ang mga mahahalagang ordinansa at resolusyon para sa ikabubuti at ikauunlad ng ating bayan.

​Naging mas makabuluhan din ang sesyon sa pagbisita ng mga kinatawan mula sa Fortuna Hope Baptist Church, na nag-alay ng isang awitin ng papuri at pasasalamat sa Panginoon. Ang kanilang himig na handog ay naghatid ng inspirasyon at pagpapala sa lahat ng dumalo.



Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Socorro sa taunang Brigada Eskwela na ginanap sa Socorro Central School. Ang aktibidad ...
01/06/2026

Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Socorro sa taunang Brigada Eskwela na ginanap sa Socorro Central School. Ang aktibidad na ito ay personal na pinangunahan ng ating masipag na Mayor Nemmen O. Perez The Mayor's Office - Socorro, katuwang ang ating Vice Mayor Allan Kenneth Tolentino at ang mga miyembro ng 12th Sangguniang Bayan of Socorro.

​Kasabay ng paghahanda ng mga silid-aralan, pormal ding sinimulan ang araw sa pamamagitan ng ating Traditional Flag Raising Ceremony na dinaluhan ng mga g**o, magulang, at mga kawani ng pamahalaan.

​Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nag-alay ng kanilang oras at lakas upang masig**o na ligtas, malinis, at handang-handa ang ating paaralan para sa pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral!



🏛️ BAYANIHAN PARA SA KINABUKASAN NG KABATAANG SOCORREÑO! 🎒✨​Nakiisa ang ating masipag na Vice Mayor Allan Kenneth Tolent...
31/05/2026

🏛️ BAYANIHAN PARA SA KINABUKASAN NG KABATAANG SOCORREÑO! 🎒✨

​Nakiisa ang ating masipag na Vice Mayor Allan Kenneth Tolentino sa paglulunsad ng BRIGADA ESKWELA 2026 na may temang "Bayanihan para sa Ligtas, Malinis, at Matatag na Paaralan."

​Naniniwala ang ating VM Allan Kenneth P. Tolentino na ang maayos na kapaligiran ay susi sa magandang edukasyon.

Kaya naman, personal siyang nakilahok sa paglilinis at pagsasaayos ng ating mga paaralan upang matiyak ang kaligtasan, kalusugan, at kaayusan ng bawat mag-aaral na Socorreño sa darating na pasukan.

​Maraming salamat sa lahat ng mga g**o, magulang, at boluntaryo na walang sawang nagtutulungan para sa ating mga mag-aaral! 🤝💚



June 1, 2026🗓Verse of the day🙏Unang araw ng Hunyo. 💚 Lumipas man ang mga nakaraang buwan na puno ng hamon, nagpapasalama...
31/05/2026

June 1, 2026đź—“
Verse of the day🙏

Unang araw ng Hunyo. 💚 Lumipas man ang mga nakaraang buwan na puno ng hamon, nagpapasalamat ako sa pagkakataong sumalubong sa panibagong simula. Dalangin ko ang gabay, kalusugan, at kapayapaan para sa ating lahat ngayong buwan. Pagpalain nawa ang ating Hunyo!✨️

Isang maligayang pagbati sa kaarawan ng ating kagalang-galang na Bise Mayor Dodjie Panganiban!Maraming salamat sa iyong ...
28/05/2026

Isang maligayang pagbati sa kaarawan ng ating kagalang-galang na Bise Mayor Dodjie Panganiban!

Maraming salamat sa iyong tapat na serbisyo, dedikasyon, at pagmamahal sa bayan ng Pola. Dalangin namin ang iyong patuloy na kalakasan, karunungan, at tagumpay sa lahat ng iyong mga mithiin para sa bayan.

Manatili kang inspirasyon sa aming lahat. Mabuhay ka, VM Dodjie! 🥳🎂

Address

Zone III
Socorro
5207

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Allan Kenneth Tolentino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category