12th Sangguniang Bayan of Socorro

12th Sangguniang Bayan of Socorro The 12th Sangguniang Bayan of Socorro

Hunyo 12, isang makasaysayang araw para sa bawat Pilipino. Araw na nakamit natin ang kalayaan sa ating minamahal na Bans...
11/06/2026

Hunyo 12, isang makasaysayang araw para sa bawat Pilipino.
Araw na nakamit natin ang kalayaan sa ating minamahal na Bansa, Bansang Pilipinas.
Isang araw na taas noo at buong pagmamalaki nating ipinagdiriwang taon-taon.
Araw na nagpapaalala sa atin na tayo'y sinakop pero lumaban para sa Kalayaan ng ating bansa, Pilipinas.
Araw na nagbukas ng maraming posibilidad para sa Kinabukasan ng bawat Pilipino.
Isang araw na tumatak sa ating Kasaysayan, at gawing inspirasyon para sa mga susunod na kabanata.

Mula sa Sangguniang Bayan ng Socorro, sa pangunguna ng ating Mahal na Vice mayor Hon. Allan Kenneth Tolentino at Sangguniang Bayan Members.

Maligayang Araw ng Kalayaan. Mabuhay ang Pilipinas. 🇵🇭

"KALAYAAN, KINABUKASAN, KASAYSAYAN"
128th Independence Day

Narito ang mga naaprubahang resolusyon at ordinansa noong June 08, 2026 (Monday) sa isinagawang  48th Regular Session ng...
11/06/2026

Narito ang mga naaprubahang resolusyon at ordinansa noong June 08, 2026 (Monday) sa isinagawang 48th Regular Session ng 12th Sangguniang Bayan ng Socorro, sa pangunguna ng ating minamahal na Vice Mayor Allan Kenneth Tolentino kasama ang mga Kagalang-galang na Sangguniang Bayan Members.

09/06/2026
June 8, 2026Isinagawa ang 48th Regular Session na pinangunahan ng ating mahal na Vice Mayor Allan Kenneth Tolentino at k...
08/06/2026

June 8, 2026

Isinagawa ang 48th Regular Session na pinangunahan ng ating mahal na Vice Mayor Allan Kenneth Tolentino at kasama ang mga Sangguniang Bayan Members.

Matagumpay at masusing pinagtalakayan ang mga Resolution at Ordinances na makakatulong sa ating mamamayan. Isa sa pinagtalakayan ay ang Resolution na binibigyan ng kapangyarihan ang ating Ina ng Bayan, Mayor Nemmen O. Perez na pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang isang Competent Directors, Choreographers, Writer, and Singer-Recorder para sa paghahanda sa darating na Socorro Founding Anniversary na may mga programang Pakapya Agtike at Miss Socorro 2026. Ito ay para maging mas maganda ang kalidad ng pagtatanghal at programa na bahagi ng kultura, talento at pagkakakilanlan ng ating bayan.

Nakasama din sa Session ang mga Barangay Health Worker (BHW) Leaders ng iba't ibang barangay ng Socorro upang ipaalam at pormal na humiling ng suportang moral at pinensyal para sa kanilang darating na Zumba Competition. Ang nasabing kompetisyon ay hindi lamang nagpapakita ng pagkakaisa, dedikasyon, at pagpapahalaga sa kalusugan, kundi nagsisilbi ring pagkakataon upang bitbit at patuloy na maitaas ang karangalan at pangalan ng Bayan ng Socorro.

Isang progresibong araw para sa pagpapaunlad ng ating bayan at mamamayan ng Socorro.

Narito ang mga naaprubahang resolutions noong June 01, 2026 (Monday) sa isinagawang  47th Regular Session ng 12th Sanggu...
08/06/2026

Narito ang mga naaprubahang resolutions noong June 01, 2026 (Monday) sa isinagawang 47th Regular Session ng 12th Sangguniang Bayan ng Socorro, sa pangunguna ng ating minamahal na Vice Mayor Allan Kenneth Tolentino kasama ang mga Sangguniang Bayan Members.

June 4, 2026 (Thursday)Isinagawa ang Committee Meeting ng Committee on Ordinances and Legal Matters katambal ang Committ...
04/06/2026

June 4, 2026 (Thursday)

Isinagawa ang Committee Meeting ng Committee on Ordinances and Legal Matters katambal ang Committee on Health and Social Welfare sa pangunguna ng dalawang Chairman na sina Hon. Marvin Umbao at Hon. Nimfa Gamez kasama ang mga Members ng dalawang Committee na sina Hon. Sherly Mendoza Pineda, Hon. Elmar Anyayahan, Hon. Julius Elesis De Castro, Hon. Lilibeth Balzote, Hon. Clodualdo Vida, Jr. at Hon. Khen Cedric M. Ylagan.

Pinagtalakayan dito ang Ordinansa tungkol sa pagsasaayos at pagpapalakas ng programang Socorro Health Care Program o "Red Card" at gagawin itong "Socorro Medical Assistance Program" (SMAP) upang mabigyan ng karagdagang tulong at mapalawak ang suporta sa mga gastusing pangkalusugan. Pinag-usapan din dito kung sino-sino ang kwalipikadong pwedeng makapag-avail, mga requirements at mga benepisyo na magagamit kapag naipatupad ang nasabing Ordinansa.

Ang mga probisyon ng Ordinansang ito ay masusing pinag-aaralan at maingat na isinasaalang-alang upang matiyak ang pagiging makatarungan at naaayon sa umiiral na batas.

Isang progresibong araw para sa pag-unlad ng ating bayan at ng mamamayan.

June 2, 2026 (Tuesday) Nagsagawa ng Committee Meeting ang Committee on Women and Family tungkol sa Ordinance titled: AN ...
04/06/2026

June 2, 2026 (Tuesday)

Nagsagawa ng Committee Meeting ang Committee on Women and Family tungkol sa Ordinance titled: AN ORDINANCE PROVIDING CASH SUBSIDY TO QUALIFIED SOLO PARENTS IN THE MUNICIPALITY OF SOCORRO, ORIENTAL MINDORO, PURSUANT TO REPUBLIC ACT NO. 11861, OTHERWISE KNOWN AS THE “EXPANDED SOLO PARENTS WELFARE ACT” sa pangunguna ng Chairman, Hon. Lilibeth Balzote, kasama ang mga Members na sina Hon. Sherly Mendoza Pineda at Hon. Nimfa Gamez, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Officer, Ms. Sharon Rose D. Ylagan at Municipal Budget Officer, Mrs. Aurea B. Manalo, at dinaluhan din ng ating mahal na Vice Mayor Allan Kenneth Tolentino.

Pinagtalakayan dito ang mga nilalaman ng ordinansa at kung sino-sino ang may sapat na kwalipikasyon upang makatanggap ng Cash Subsidy para sa mga Solo Parents. Pinagtalakayan din dito kung ano ba talaga ang tamang depen*syon at kung sino ba talaga ang masasabing Solo Parents.

Isang magandang panimula na kung magiging matagumpay ay magkakaroon pa ng mas madaming oportunidad na makakatulong sa mga Solo Parents na matatag at masisipag na mag isang nagtataguyod sa kanilang mga anak.

Isang progresibong araw para sa pag--unlad ng ating bayan at mamamayan.

03/06/2026

MAYOR’S CUP Inter-Barangay Basketball Tournament

Upang masiguro ang kaligtasan at maayos na paglalaro ng lahat, ang pagbubukas ng Mayor’s Cup ay pansamantalang ipinagpapaliban bukas June 4 dahil kasalukuyan pang sumasailalim sa curing process ang bagong pintura ng ating gymnasium floor.

Ang opening ay ire-reschedule sa Biyernes, Hunyo 5.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa at pakikiisa. Konting paghihintay na lamang at mas magiging maayos at ligtas ang ating palaro!

Kita-kits sa Hunyo 5 para sa mas exciting at mas makulay na pagbubukas ng Mayor’s Cup!

June 2, 2026 Nagkaroon ng pagpupulong ang mga Barangay Secretaries kasama ang Sangguniang Bayan Secretariat, Ronnie Dima...
02/06/2026

June 2, 2026

Nagkaroon ng pagpupulong ang mga Barangay Secretaries kasama ang Sangguniang Bayan Secretariat, Ronnie Dimaano upang maipaliwanag ang tamang Order of Business at ang buong daloy ng isang Session. Ito ay para maging 'uniform' ang daloy ng Session mula sa Sangguniang Bayan at ganoon na din pagdating sa mga Barangay. Ito din ay para mas lumawak ang kaalaman ng mga kalihim sa paggagawa ng mga dokumento at organisadong proseso ng Session.

Isang progresibong araw para sa pagunlad ng ating bayan, Socorro.

June 1, 2026Isinagawa ang 47th Regular Session sa pangunguna ng ating mahal na VIce Mayor Allan Kenneth Tolentino at buo...
01/06/2026

June 1, 2026

Isinagawa ang 47th Regular Session sa pangunguna ng ating mahal na VIce Mayor Allan Kenneth Tolentino at buong Sangguniang Bayan Members. Ito ay pinangunahan ng isang panalangin ng Fortuna Hope Baptist Church, isang panalangin na gagabay sa maayos at matiwasay na talakayan ng mga Ordinances at Resolutions na makakatulong sa ating bayan.

Maraming Ordinansa at Resolusyon ang napagtalakayan, isa dito ay ang Resolusyon ng pakikiramay sa isa sa kasamahan nating naglilingkod sa bayan na si Hon. Romeo Mapalad ng Zone III, Socorro. Ang taos-pusong pakikiramay at pagdadalamhati ang ipinapa-abot ng Buong Sangguniang Bayan Members sa buong pamilya ng yumao. Isang panalangin ang aming hatid para sa kapayapaan ng kaluluwa at lakas loob para sa naiwang pamilya.

Isang progresibong araw para sa pagpapaunlad ng ating bayan, Socorro.

Address

Zone IV
Socorro
5207

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 7am - 6pm
Wednesday 7am - 6pm
Thursday 7am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 12th Sangguniang Bayan of Socorro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share