Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office : Sison, Pangasinan

  • Home
  • Philippines
  • Sison
  • Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office : Sison, Pangasinan

Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office : Sison, Pangasinan This is the Official page of Sison, Pangasinan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

For purposes of rescue you can call 09178901605 / 09937837231

28/05/2026
Ngayong araw, April 29, 2026, matagumpay na naisagawa ang pruning activity sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Pald...
29/04/2026

Ngayong araw, April 29, 2026, matagumpay na naisagawa ang pruning activity sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Paldit, Sison, Pangasinan.

Ang gawaing ito ay naikoordina ng MDRRMO sa pakikipagtulungan sa pamunuan ng DPWH, sa pangunguna ng ating MDRRM Chairwoman at Mayor, Hon. Alma M. Lomibao. Isinagawa ang pruning ng acacia tree na nakahambalang upang maiwasan ang posibleng aksidente at masiguro ang kaligtasan ng mga motorista at mamamayan sa nasabing lugar.

Taos-pusong pasasalamat po ang aming ipinaaabot sa CVO ng Brgy. Paldit sa kanilang aktibong pagtulong sa paglilinis, gayundin sa PNP Sison para sa maayos na traffic management habang isinasagawa ang operasyon.

Ang ganitong sama-samang pagkilos ay patunay ng ating malasakit at pagkakaisa para sa kaligtasan ng bawat isa.

21/04/2026

BAYAN NG SISON
PUBLIC ADVISORY
BLUE ALERT

Ang Bayan ng Sison ay nasa ilalim ng “BLUE ALERT STATUS” mula Abril 20 hanggang Abril 24, 2026, alinsunod sa abiso ng RDRRMC at PDRRMO, bilang bahagi ng paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga deboto at bisita kaugnay ng pagdiriwang ng Centennial Canonical Coronation of Our Lady of the Rosary of Manaoag.

Kaugnay nito, ang lahat ng ahensya ng pamahalaang lokal, barangay, at mga katuwang na ahensya ay naka-standby upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at maagap na pagtugon sa anumang insidente.

Pinapayuhan ang publiko na:
• Mag-ingat sa biyahe at sundin ang traffic advisories
• Iwasan ang mataong lugar kung hindi kinakailangan
• Makipag-ugnayan agad sa kinauukulan sa oras ng emergency

EMERGENCY HOTLINES:
MDRRMO Sison: 09937837231 / 09178901605
PNP / BFP: 09985985132 / 09171876611
Mag-ingat at makiisa para sa kaligtasan ng lahat.

📢 ABISO SA PUBLIKO: LIQUOR BAN (MAHAL NA ARAW 2026)​Para sa isang mas solemn at ligtas na paggunita ng Semana Santa, ipi...
31/03/2026

📢 ABISO SA PUBLIKO: LIQUOR BAN (MAHAL NA ARAW 2026)
​Para sa isang mas solemn at ligtas na paggunita ng Semana Santa, ipinapatupad ang Temporary Liquor Ban sa buong Sison, Pangasinan (Executive Order No. 3-06).
​🚫 KAILAN ANG LIQUOR BAN?
​Mula April 2 (Huwebes Santo) hanggang April 5 (Linggo ng Pagkabuhay).
​🚫 ANO ANG BAWAL?
​BAWAL MAGTINDA ng alak sa mga sari-sari store, grocery, at resorts.
​BAWAL UMINOM sa mga pampublikong lugar, kalsada, at bars.
​🚨 FULL ALERT STATUS
​Naka-Full Alert ang ating MDRRMO , PNP, BFP at lahat ng BDRRMC sa mga barangay upang mabilis na makatugon sa anumang emergency o sakuna.

​Layunin nito na:
​Iwasan ang mga vehicular accidents.
​Maiwasan ang gulo at disgrasya (tulad ng pagkalunod).

PAKIUSAP SA PUBLIKO:

​Hinihikayat namin ang lahat na sumunod sa direktibang ito. Maging disiplinado at makiisa tayo upang maging ligtas, payapa, at mas solemn ang ating paggunita sa Mahal na Araw.


​Maraming salamat po!

13/03/2026

🔥🚒 MARCH IS FIRE PREVENTION MONTH! 🔒🔥

Isang paalala mula sa MDRRMO sa pamumuno ni Mayor Alma M. Lomibao:

Sa buwan ng Fire Prevention Month, maging responsable at alerto tayo sa ating mga tahanan at komunidad. Konting pag-iingat lang, malaking sakuna ang maiiwasan!

⚡ Huwag mag-overload ng saksakan
🍳 Bantayan ang niluluto sa kalan
🔌 I-unplug ang appliances kapag hindi ginagamit
⛽ Siguraduhing maayos ang LPG hose at regulator
👧 Ilayo sa bata ang posporo, lighter, at kandila
🚫 Iwasan ang pagsusunog ng basura malapit sa bahay

📞 Sa oras ng sunog o emerhensiya, agad tumawag sa Bureau of Fire Protection 09171876611 o sa MDRRMO 09937837231.

💡 Tandaan:
Ang sunog ay mabilis kumalat, pero ang pag-iingat ay kayang pigilan ito!




Unang bagyo ng taong 2026
14/01/2026

Unang bagyo ng taong 2026

Lubos na ikinararangal ng Pamahalaang Bayan ng Sison, Pangasinan ang pagtanggap ng Plaque of Recognition mula sa Regiona...
22/12/2025

Lubos na ikinararangal ng Pamahalaang Bayan ng Sison, Pangasinan ang pagtanggap ng Plaque of Recognition mula sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council – Region I (RDRRMC-1) bilang pagkilala sa tapat na paglilingkod, matibay na paninindigan, sakripisyo, at mahahalagang tagumpay nito bilang isang balidado at epektibong Local Government Unit sa gitna ng mga hamon ng kalamidad sa bansa.
Ang pagkilalang ito ay tinanggap noong December 17, 2025 sa Bauang Sports Complex, Bauang, La Union, sa pamamagitan ng mahusay na pamumuno ni Punong Bayan Alma Lomibao, Tagapangulo ng MDRRMC, katuwang ang masigasig na mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at lahat ng mga katuwang na ahensya.
Ang parangal na ito ay higit pang nagpapatibay sa pangako ng Pamahalaang Bayan ng Sison sa maagap at responsableng pamamahala, kahandaan sa sakuna, at sa kaligtasan at kapakanan ng mamamayan.

02/12/2025

LOST AND FOUND NOTICE

The Municipality of Binmaley seeks the assistance of the public regarding a lost Samsung S24 Ultra (1TB), reportedly misplaced at the Binmaley Public Market.

The device, owned by Lerma Quinto, contains important personal items including cash and several identification and transaction cards (GoTyme Card, Mercury Drug Card, and others).

📌 To the Finder:
The owner is sincerely offering a reward for the safe return of the item.
If you happen to locate or have information regarding the phone, please contact us immediately here on our official page.

Let us continue to uphold honesty, compassion, and community spirit.
Bayan Muna Bago Sarili.

Sa pamumuno ng MDRRM Chairwoman/Mayor Alma M. Lomibao, at sa pinag-isang pwersa ng MDRRMO at Engineering Sison, matagump...
20/11/2025

Sa pamumuno ng MDRRM Chairwoman/Mayor Alma M. Lomibao, at sa pinag-isang pwersa ng MDRRMO at Engineering Sison, matagumpay na naisagawa ngayong araw November 20, 2025 ang clearing operation sa Our Lady of Mount Carmel Academy.

Tinutukan ng grupo ang pag-aalis ng mga nabuwal at nakaambang sanga ng kahoy na dulot ng bagyong Uwan. Ang gawaing ito ay isinagawa upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyanteng papasok sa nasabing paaralan, maging ng mga debotong nagsisimba sa lugar.

Address

Poblacion Central
Sison
2434

Telephone

+639178901605

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office : Sison, Pangasinan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share