11/11/2025
2,000 SLOT SA PNP RECRUITMENT "REGULAR QUOTA" 2025, OPISYAL NANG BINUKSAN!
BE ONE OF US!
Camp Crame, Quezon City β Inanunsyo ng PNP Recruitment and Selection Service (PNP RSS) na magsisimula na ang recruitment processing para sa Calendar Year 2025 Regular Quota. Layon ng programang ito na palakasin pa ang hanay ng kapulisan sa buong bansa sa ilalim ng kampanyang βBagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.β
Batay sa inilabas na opisyal na anunsyo Nobyembre 5, 2025, may kabuuang 2,000 slot na nakalaan sa buong bansa β 1,600 regular quota at 400 para sa mga itatalaga sa Anti-Cybercrime Group (ACG), partikular sa mga Provincial Cybercrime Response Teams.
Narito ang kumpletong breakdown ng quota:
NCRPO β 440 slots
PRO 1 β 20 slots
PRO 2 β 20 slots
PRO 3 β 320 slots
PRO 4A β 330 slots
PRO 4B β 20 slots
PRO 5 β 20 slots
PRO 6 β 120 slots
PRO 7 β 20 slots
PRO 8 β 20 slots
PRO 9 β 20 slots
PRO 10 β 20 slots
PRO 11 β 20 slots
PRO 12 β 20 slots
PRO 13 β 20 slots
PRO BAR β 320 slots
PRO CAR β 20 slots
PRO NIR β 120 slots
β‘οΈ KABUUAN: 2,000 slots
---
PALIWANAG: BAKIT 2,000 ANG TOTAL QUOTA?
Ayon sa PNP RSS, ang 2,000 total slots ay binubuo ng dalawang bahagi:
1. 1,600 Regular Regional Office Quota β ito ang mga regular recruits na itatalaga sa kani-kanilang rehiyon.
2. 400 Cybercrime Detail Quota β dagdag na pwersa para sa Anti-Cybercrime Group (ACG) na tutok sa mga cyber-related offenses gaya ng online scams at fraud cases.
Ang mga ito ay hindi hiwalay na recruitment, kundi isang kabuuang quota sa ilalim ng Calendar Year 2025 Recruitment Program.
Sa madaling sabi:
π 1,600 (Regular) + 400 (Cybercrime Detail) = 2,000 recruits nationwide.
---
PAALALA NG PNP RSS
Libre po ang proseso ng aplikasyon!
Walang sinumang opisyal, recruiter, o middleman ang awtorisadong mangolekta ng bayad o anumang pabor kapalit ng aplikasyon.
Ang sinumang mahuhuling gumagawa ng ganitong modus ay dapat agad i-report sa mga awtoridad.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang opisyal na page ng PNP RSS: tumawag sa 09084306067 / 84781783 loc. 7559.
DISCLAIMER:
Ang post na ito ay para sa public awareness at impormasyon lamang. Ang lahat ng datos ay batay sa opisyal na anunsyo ng PNP Recruitment and Selection Service (PNP RSS) Nobyembre 5, 2025. Libre ang aplikasyon at mahigpit na ipinagbabawal ang paniningil ng anumang bayad o pabor sa proseso ng recruitment.
Photo Courtesy: PNP Recruitment and Selection Service
-----