07/04/2026
πππππ ππππππππ: πππππππ πππππ πππππππ
Ramdam mo rin ba ang patuloy na pagtaas ng pamasahe? Sa gitna ng pagmahal ng gasolina dulot ng mga kaganapan sa buong mundo, mas lalong bumibigat ang araw-araw na biyahe ng ating mga kabataanβlalo na para sa mga estudyante at nagtatrabahong patuloy na nagsusumikap.
Ngunit hindi lamang ang mga pasahero ang apektadoβkasama rin ang ating mga tricycle drivers na patuloy na bumabyahe upang maghanapbuhay sa kabila ng mataas na presyo ng gasolina.
Bilang tugon, inilulunsad ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Yakal ang programang Hatid Kabataan: Libreng Sakay Programβisang inisyatibo na naglalayong mapagaan ang gastusin sa pamasahe ng kabataan habang sinusuportahan ang kabuhayan ng ating mga lokal na drayber.
πππ πππ?
Isang programang nagbibigay ng libreng sakay para sa mga kabataang edad 15β30 years old, lalo na sa:
-Mga mag-aaral (College)
-Mga nagtatrabahong kabataan (15β30 years old)
PAALALA: Sa kasalukuyan, dahil walang pasok ang mga High School students, ang mga slots ay pansamantalang ilalaan muna para sa mga college students at working youth.
LIMITED SLOTS ONLY
π£πππ‘π’ π ππ-π₯ππππ¦π§ππ₯?
1. Mag-register online. I-save ang link na ito:
https://forms.gle/TPX276zGhdhnB5sb6
-Magbubukas ang link sa: April 11, 2026 | 6:00 PM
2. Magpakita at magpasa alin sa mga sumusunod na requirements:
-School ID / Proof of Enrollment
-Proof of Employment
-Schedule ng pasahan: April 12, 2026 | 3:00 PM
3. Hintayin ang verification at claim ng:
-Libreng Sakay ID
-Stubs (rides)
College Students: 15 rides
Working Youth: 10 rides
π£πππ‘π’ ππ¨π ππ‘π ππ‘π ππππ₯ππ‘π π¦ππππ¬?
1. Sumakay sa mga tricycle na may βLIBRENG SAKAYβ
2. Ipakita ang inyong ID
3. Magbigay ng 1 stub bawat sakay
4. Pumirma sa logbook
Start ng Libreng Sakay: April 15, 2026
π£ππ₯π π¦π π ππ ππ₯ππ©ππ₯:
1. Ang mga kalahok na drayber ay dapat kabilang sa TODA ng Barangay Yakal.
2. Kinakailangang pumirma sa Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang SK
3. Magbibigay ng sakay sa mga rehistradong benepisyaryo sa itinakdang ruta.
4. Kokolektahin ang stub sa bawat sakay at magpapapirma sa logbook
5. Magsusumite ng trip logs at mga nakolektang stub tuwing ika-15 days.
6. Makakatanggap ng bayad na β±15 (o maaaring magbago depende sa pagtaas ng taripa sa Metro Bulihan) kada stub base sa kanilang naisumiteng dokumento.
π£ππππππ:
1. Bawal ipagamit sa iba ang ID at stub
2. Limitado lamang sa rutang sakop ng Metro Bulihan
3. Igalang ang driver at kapwa pasahero
4. Mag-ingat sa biyahe
Kung may mga katanungan, klaripikasyon, at suhestiyon, maaari lamang magmessage sa FB Page ng Sangguniang Kabataan ng Yakal.
Huwag palampasin. Mag-register na at maging isa sa mga mapipiling benepisyaryo.