21/09/2026
๐ซ BAWAL BASTOS LAW
Republic Act No. 11313 โ Safe Spaces Act
Ang RA 11313 o Safe Spaces Act na karaniwang tinatawag na "Bawal Bastos Law,โ ay batas na nagpoprotekta sa lahat laban sa gender-based s*xual harassment sa pampublikong lugar, online, trabaho, paaralan at training institutions.
๐ Ano ang ipinagbabawal?
Kabilang sa mga maaaring ituring na gender-based s*xual harassment ang:
- Catcalling o hindi kanais-nais na pambabastos sa salita
- Wolf-whistling/paninipol
- Malisyoso o sekswal na komento tungkol sa katawan o itsura
- Hindi kanais-nais na pag-imbita o panghihingi ng personal na impormasyon
- Sexist, homophobic o transphobic na pananalita
- Paulit-ulit na pambabastos o pangungulit
- Pagsulyap o pagtingin na mapanghimasok
- Pagsunod o stalking
- Hindi awtorisadong pagkuha o pagbabahagi ng larawan/video na may s*xual content
- Cyberstalking at paulit-ulit na s*xual messages online
- Hindi kanais-nais na paghawak, pagpisil o pagkiskis sa katawan
- Paglalantad ng pribadong bahagi ng katawan o iba pang malalaswang gawain.
๐ Saan ito maaaring mangyari?
Sakop ng batas ang:
๐๏ธ Pampublikong lugar
- Kalsada at sidewalk
- Parke
- Palengke
- Mall
- Restaurant at bar
- Terminal at pampublikong sasakyan
- Iba pang lugar na bukas sa publiko
๐ฑ Online
- Social media
- Private messages
- Online platforms
- Pagbabahagi ng larawan, video o recording nang walang pahintulot
๐ข Workplace
- Opisina at iba pang lugar ng trabaho
๐ซ Paaralan at training institutions
โ ๏ธ Mahalaga: Hindi lamang babae ang protektado
Ang batas ay nagbibigay-proteksiyon sa lahat ng tao,anuman ang s*x, s*xual orientation, gender identity o expression. Ang mahalaga ay ang kilos o pananalita ay hindi kanais-nais at sakop ng gender-based s*xual harassment na tinutukoy ng batas.
โ๏ธ May kaparusahan ba?
Oo.Ang parusa ay nakadepende sa uri at bigat ng ginawa at kung ito ay unang beses o paulit-ulit na paglabag. Halimbawa, para sa ilang uri ng pambabastos sa streets/public spaces, maaaring magkaroon ng multa, community service at gender-sensitivity seminar habang mas mabibigat na gawain gaya ng stalking o unwanted touching ay may mas mabigat na parusa.
๐๏ธ Papel ng Barangay/LGU
Mahalaga ang papel ng barangay at LGU sa pagpapatupad ng Safe Spaces Act. Kabilang dito ang information dissemination, prevention activities, pagtanggap at pagproseso ng mga reklamo, at koordinasyon sa mga kinauukulang awtoridad. Ang batas ay nag-aatas din sa LGUs na magkaroon ng mga mekanismo para sa mga reklamo tungkol sa gender-based s*xual harassment.
๐ก๏ธ Tandaan
Respeto sa bawat isa. Walang puwang ang pambabastosโsa kalsada, sa trabaho, sa paaralan, online, at saanman
BAWAL BASTOS. RESPETO ANG DAPAT.
Safe Spaces para sa Lahat!