19/10/2026
19 Oktubre 2026
ORYENTASYON PARA SA BAKUNA ESKWELA 2026
ISINAGAWA SA PAARALANG ELEMENTARYA
NG MUNTING ILOG 🤝💉
Ngayong araw, matagumpay na naisagawa ang Oryentasyon para sa Bakuna Eskwela (School-Based Immunization) sa ating paaralan, isang mahalagang hakbang na hatid ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) sa pakikipagtulungan sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), upang siguruhin ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga mag-aaral. 💪
Sa pamumuno ni G. Jhonnel M. Alegro — Gurong Tagamanihala ng Paaralan at Clinic Teacher at sa pakikipagtulungan ni Bb. Kathreen Lyka C. Marasigan, RN — nurse mula sa DOH Silang, kasama ang ating masisipag na Barangay Health Workers ng Munting Ilog, malinaw na naipaliwanag sa mga dumalong magulang at tagapamatnubay ang mga layunin, proseso, at benepisyo ng programang ito.
Ang mga sumusunod na bakuna at impormasyong may kaugnayan dito ay tinalakay kagaya ng:
✅ MRTD Vaccine — para sa mga mag-aaral sa Baitang 1
✅ HPV Vaccine — para sa mga batang babae sa Baitang 4 at Baitang 5
Layunin ng programang ito na protektahan ang ating mga anak laban sa mga sakit na maaaring maiwasan ng bakuna, upang manatili silang malusog, masigla, at handang matuto araw-araw. Ang pagbabakuna ay isa sa pinakamabisang paraan upang mapanatili ang kalusugan ng ating mga mag-aaral at ng ating buong komunidad.
MGA MAHALAGANG PETSA NA DAPAT TANDAAN:
🗓 Intensive Vaccination Day: Nobyembre 13, 2026
🗓 Catch-Up Vaccination: Nobyembre 15, 2026
🗓 Huling Araw ng Bakuna: Disyembre 1, 2026
Ang tagumpay ng oryentasyong ito ay dahil sa inyong pakikilahok at pagtitiwala. Naniniwala ang pamunuan ng DepEd MIES at DOH Silang na ang kalusugan ng ating mga anak ay ating pinakamahalagang yaman at ang pagtutulungan ng paaralan, pamilya, kalusugan at pamayanan ang pinakamabisang sandata upang mapangalagaan ito. Huwag nating kalilimutan na “Ang malusog na bata ay masiglang mag-aaral at ang ligtas na paaralan ay responsibilidad nating lahat!” 👦👧