Gen. Ted Carranza

Gen. Ted Carranza The Official page of Hon. Edward "GenTed" Carranza — Serving as the Municipal Mayor of Silang, Cavite

Bagong Gusali, Bagong Pag-asa para sa Bulihan Sites & Services Elementary School! 🏫✨Isang makabuluhang araw ang ating pi...
03/06/2026

Bagong Gusali, Bagong Pag-asa para sa Bulihan Sites & Services Elementary School! 🏫✨

Isang makabuluhang araw ang ating pinagsaluhan sa ginanap na Basbas at Pinasinaya ng Dalawang Palapag na Gusali na may Anim (6) na Silid-Aralan sa Bulihan Sites and Services Elementary School.


02/06/2026

Bagong Gusali, Bagong Pag-asa para sa Bulihan Sites & Services Elementary School! 🏫✨

Isang makabuluhang araw ang ating pinagsaluhan sa ginanap na Basbas at Pinasinaya ng Dalawang Palapag na Gusali na may Anim (6) na Silid-Aralan sa Bulihan Sites and Services Elementary School.

Ang bagong gusaling ito ay hindi lamang dagdag na silid-aralan, kundi simbolo ng ating patuloy na pangarap na mabigyan ang bawat mag-aaral ng maayos, ligtas, at komportableng lugar para matuto at magtagumpay.

Patuloy nating itinataguyod ang mga proyektong nagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa ating mga anak, sapagkat naniniwala tayo na ang edukasyon ang pundasyon ng isang mas maunlad na kinabukasan.

Sama-sama nating itinatayo ang paaralan ngayon para sa tagumpay ng susunod na henerasyon!

Kasama natin sina Vice Mayor Cris Reyes, Konsehal Eric Cokiat, at Konsehal Allan Tolentino.


Maligayang Kaarawan, Kapitan Carlos Rodolfo! 🎉🎂Sa iyong espesyal na araw, hangad namin ang iyong mabuting kalusugan, kal...
31/05/2026

Maligayang Kaarawan, Kapitan Carlos Rodolfo! 🎉🎂

Sa iyong espesyal na araw, hangad namin ang iyong mabuting kalusugan, kaligayahan, at patuloy na tagumpay sa paglilingkod sa mamamayan ng Barangay Poblacion 5.

Maraming salamat sa iyong dedikasyon, sipag, at malasakit sa ating komunidad. Nawa’y patuloy kang gabayan at pagpalain ng Poong Maykapal upang mas marami ka pang matulungan at mapaglingkuran.

31/05/2026

TINUPAD PO NATIN ANG PANGAKO NATIN SA ATING MGA KABABAYAN SA BRGY. B**A UNO PUROK 2

Nagpaabot po tayo ng tulong para sa pagsisimula ng pagpapaunlad ng magiging pangunahing plaza at pagsasaayos ng kanilang basketball court sa Purok 2, Brgy. B**a Uno sa pamamagitan ng paghahatid ng 20 sako ng semento at isang elf na buhangin.

Gayundin, nagpadala rin po tayo ng kaparehong tulong sa Springville Riverside bilang suporta sa kanilang mga proyektong pangkomunidad.

Patuloy po nating isinusulong ang mga proyektong magbibigay ng mas maayos, ligtas, at kaaya-ayang pampublikong lugar para sa ating mga kababayan. Ang mga ganitong proyekto ay hindi lamang pagpapatayo ng imprastraktura, kundi pagtatayo rin ng mas matibay na samahan at pagkakaisa sa ating mga komunidad.


GINTONG KARANGALAN PARA SA SILANG! 🏆🥇Isang taos-pusong pagbati kay Adam Oliva Afif ng Metrogate Silang at mag-aaral ng F...
30/05/2026

GINTONG KARANGALAN PARA SA SILANG! 🏆🥇

Isang taos-pusong pagbati kay Adam Oliva Afif ng Metrogate Silang at mag-aaral ng FEU Cavite, sa kanyang kahanga-hangang tagumpay bilang Gold Medalist sa Karate (Kumite Boys, Elementary Level 10–12 Years Old).

Dahil sa kanyang husay, disiplina, at determinasyon, siya ang napiling kinatawan ng CALABARZON para sa Palarong Pambansa 2026. Tunay kang inspirasyon sa ating mga kabataang Silangueño at patunay na ang sipag at tiyaga ay nagbubunga ng tagumpay.

Ipinagmamalaki ka ng buong Bayan ng Silang! Patuloy mong dalhin ang ating bandera nang may dangal at husay.

30/05/2026

🔴 LIVE | PAGTULONG SA MGA PAMILYANG APEKTADO NG SUNOG SA SITIO PALIGAWAN, BRGY. LUMIL

SUNOG SA SITIO PALIGAWAN, BRGY. LUMILAgad po nating inatasan ang MDRRMO, BFP, at MSWD upang mabilis na makatugon sa suno...
29/05/2026

SUNOG SA SITIO PALIGAWAN, BRGY. LUMIL

Agad po nating inatasan ang MDRRMO, BFP, at MSWD upang mabilis na makatugon sa sunog na naganap sa Sitio Paligawan, Brgy. Lumil.

Kaagad din po tayong nagpaabot ng relief goods, tents, damit, at hygiene kits para sa mga pamilyang naapektuhan ng insidente.

Sa ating mga kababayang nasunugan, makakaasa po kayo na patuloy kayong aalalayan ng inyong pamahalaang bayan sa panahon ng pangangailangan. Sama-sama po tayong babangon.

Maligayang Kaarawan po kay Kap. Soseng Atlas ng Brgy. Pulong Bunga! 🎉Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalus...
29/05/2026

Maligayang Kaarawan po kay Kap. Soseng Atlas ng Brgy. Pulong Bunga! 🎉

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, at lakas upang maipagpatuloy ang inyong tapat at masigasig na paglilingkod sa inyong mga kababayan.

Maraming salamat po sa inyong dedikasyon at malasakit sa mamamayan ng Brgy. Pulong Bunga. Hangad namin ang mas marami pang biyaya at tagumpay para sa inyo at sa inyong pamilya.

Muli, Happy Birthday po, Kap. Soseng Atlas!

28/05/2026

A name created in memory a friend who passed away. Built a team to honor him. From the streets of Manggahan, they slowly started making a name for ourselves.

Back when nobody believed in what they could become, one person did and that is Sir Darwin. Supported them from the very beginning and helped them grow into something bigger.

Now, they play carrying his name with pride. That’s why the roster became more competitive — because every game is more than basketball.

It’s our way of giving back for the support, the belief, and the opportunities given to our players to chase their dreams, play in different places, and make a name for themselves.

This is more than a team. This is legacy, gratitude, and purpose.

Welcome to the next chapter of
Prolific Basketball Open Invitational.

Team DWN is open league ready.

Maligayang Kaarawan, SK Chairperson Bernadeth Baybay! 🎉🎂Nawa’y patuloy kang pagpalain ng lakas, magandang kalusugan, at ...
28/05/2026

Maligayang Kaarawan, SK Chairperson Bernadeth Baybay! 🎉🎂

Nawa’y patuloy kang pagpalain ng lakas, magandang kalusugan, at mas marami pang oportunidad upang maipagpatuloy ang iyong masigasig na paglilingkod sa kabataang iyong nasasakupan. Tunay kang inspirasyon sa pamamagitan ng iyong dedikasyon, sipag, at malasakit sa komunidad.

Hangad namin ang mas marami pang tagumpay, saya, at biyaya sa iyong buhay. Patuloy mong pagningasin ang sigla at pag-asa ng kabataan tungo sa mas maunlad na kinabukasan.

Muli, Happy Birthday, SK Chairperson Bernadeth Baybay! 🥳🎈

Address

New Silang Municipal Hall
Silang
4118

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gen. Ted Carranza posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share