24/08/2024
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), tinaguriang ligtas na para gawing pagkain ng tao ang mga produktong isda mula sa mga bayan ng Naic, Ternate, Kawit, at Maragondon sa Cavite matapos ang nangyaring oil spill sa karagatan ng Bataan.
Tatlong magkakasunod na batch ng mga produktong isda at iba pang fishery species ang nakapasa ng sensory evaluation mula August 7 hanggang August 21.
Samantala sa bayan ng Bacoor, Cavite, Noveleta, Rosario, at Tanza, dalawang batch lang ng isda ang kumpirmadong pumasa sa sensory evaluation.
Deklaradong safe ang mga isda kung ang mga samples na nakalap ay pumasa sa tatlong magkakasunod na sensory evaluation.
โBased on the stated results, the public is therefore informed that fish from Naic, Ternate, Kawit, and Maragondon in the province of Cavite are now safe for human consumption,โ ayon sa advisory ng BFAR.
โConversely, fish from Bacoor City, Cavite City, Noveleta, Rosario, and Tanza, are still not safe for human consumption,โ dagdag naman nito.
Maaalalang humiling ang pamahalaang panlalawigan ng Cavite ng P10 million na compensation mula sa may-ari ng MTKR Terranova bunga ng pinsala ng oil spill sa pangkabuhayan ng mga mangingisda sa dalampasigan.
Ayon sa BFAR, may bilang na 28,000 na mangingisda ang apektado sa pinsalang dulot ng oil spill at may halagang P9.8 million ang naitalang daily income loss ng mga mangingisda sa dalampasigan.
Source: GMA News Network