Sigla at Saya Talaan Aplaya

Sigla at Saya Talaan Aplaya [ The Official page of Sangguniang Barangay ng Talaan Aplaya ]

KAAGADANG TUGON NG BARANGAYNaging maagap ang ating mga Brgy. Tanod at opisyal ng barangay matapos ang insidente ng panan...
22/05/2026

KAAGADANG TUGON NG BARANGAY

Naging maagap ang ating mga Brgy. Tanod at opisyal ng barangay matapos ang insidente ng pananira ng ilang gamit sa simbahan na kinasangkutan ni Marvin Mabunga alyas “Bayugo,” na sinasabing may kakulangan sa pag-iisip.

Agad pong rumesponde ang ating barangay upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa komunidad. Ngayong araw ay dinala siya sa RHU Sariaya upang mabigyan ng kaukulang referral at maisailalim sa tamang pagsusuri at paggagamot.

Kasalukuyan pong hinihintay ang schedule para maipadala siya sa NCMH (National Center for Mental Health).

Patuloy pong nakikiusap ang barangay sa ating mamamayan ng pang-unawa at pakikipagtulungan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa ating komunidad.

Maraming salamat po.

Maligayang Kapistahan po ng Mahal na Patron na si San Isidro Labrador!!Ang Sangguniang Barangay ng Barangay Talaan Aplay...
17/05/2026

Maligayang Kapistahan po ng Mahal na Patron na si San Isidro Labrador!!

Ang Sangguniang Barangay ng Barangay Talaan Aplaya ay taos-pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng kapistahan ngayong Mayo 17 sa Sitio Welcome, Sitio Ilaya, at Sitio Centro.

Nawa’y patuloy tayong pagpalain ng masaganang ani, mabuting kalusugan, pagkakaisa, at kapayapaan sa ating pamayanan. Patuloy nating panatilihin ang bayanihan at pananampalataya bilang gabay tungo sa mas maunlad at masayang komunidad.

Maligayang Fiesta po sa ating lahat! Mabuhay ang Sitio Welcome, Sitio Ilaya, at Sitio Centro! 🎉🙏

HAPPY FIESTA SARIAYA! Masayang nakiisa ang Sangguniang Barangay ng Talaan Aplaya sa masayang pagdiriwang ng Kapistahan n...
15/05/2026

HAPPY FIESTA SARIAYA!

Masayang nakiisa ang Sangguniang Barangay ng Talaan Aplaya sa masayang pagdiriwang ng Kapistahan ni San Isidro Labrador at Agawan Festival 2026🎋




PAALALA‼️19 days na lang bago ang voter registration deadline sa  May 18, 2026!
29/04/2026

PAALALA‼️
19 days na lang bago ang voter registration deadline sa May 18, 2026!

Uy, 19 days na lang before the last day of registration!

𝗤: 𝗦𝗮𝗮𝗻 𝗽𝘄𝗲𝗱𝗲𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝗿𝗲𝗵𝗶𝘀𝘁𝗿𝗼?

Check mo ‘tong infographics sa baba, para alam mo saan ka dapat pumunta 👇

Maaari ding tingnan sa aming website ang iskedyul at lokasyon ng voter registration.
https://comelec.gov.ph/?r=VoterRegistration/VoterRegProgSched



Mabuhay!Ito po ay upang ipaalam sa inyo na ang Azora Holdings Inc.(Brgy. Castañas) ay nag-install ng bagong “emergency s...
27/04/2026

Mabuhay!
Ito po ay upang ipaalam sa inyo na ang Azora Holdings Inc.(Brgy. Castañas) ay nag-install ng bagong “emergency siren” na magsisilbing opisyal na alert system ng terminal tuwing may mga emergency.

IPINABABATID PO na simula Mayo 10, 2026, ang siren ay susubukin tuwing Linggo sa ganap na alas-12:00 ng tanghali upang matiyak na ito ay nananatiling maayos at maaasahan. Ang tunog po nito ay maaaring marinig sa mga kalapit na komunidad; gayunpaman, ito ay bahagi lamang ng regular testing at hindi nangangahulugan ng anumang tunay na emergency.

Kaugnay nito, magalang po naming hinihiling ang inyong tulong sa pagpapaalam sa komunidad na ang pagpapatunog ng sirena ay isang nakatakdang test lamang.

Lubos naming pinahahalagahan ang inyong pakikiisa.
Maraming salamat po.

PABATID po‼️
14/04/2026

PABATID po‼️

PABATID MULA SA TANGGAPAN NG LCRO- SARIAYA –

Ang tanggapan ng LCRO ay humihingi ng paumanhin sa mga minamahal na Punong Barangay ng Sariaya at maging sa mga mamamayan nito. Sa hindi inaasahan ay dumagsa ang mga tao na magpapagawa ng National ID kaya ang nasabing tanggapan ay nagcut- off na sa ngayon. Sa mga iba na hindi na umabot ay inilista na para sa April 15-16 (Wednesday & Thursday). Sa mga walk-in naman sa April 15-16 ay nakatakda sa May 2026 ang iskedyul ng nasabing serbisyo.

Maraming salamat po sa malawak na pang-unawa.

PABATID PO, BUKAS NA PO ITO‼️
09/04/2026

PABATID PO, BUKAS NA PO ITO‼️

📣📣📣 COMELEC SATELLITE REGISTRATION 📣📣📣

When: April 10, 2026 (Friday)
Time: 8:30 am - 3:00 pm
Where: Barangay Hall

Magparehistro na mga ka-Barangay!

TYPE OF APPLICATION:
🔴 New Applicant
🔴 Transfer
🔴 Correction of Entries
🔴 Reactivation

REQUIREMENTS:

• For Sangguniang Kabataan (SK Voters)
AGES: 15 - 17 Years Old (atleast 15 years old on or before November 2, 2026)

✅ Birth Certificate
✅ Valid ID (na may Address dito sa Brgy. Talaan Aplaya kung saan nakatira or magpaparehistro)

• REGULAR VOTERS
• For NEW APPLICANT, TRANSFER & REACTIVATION
✅ Valid ID (na may Address dito sa Brgy. Talaan Aplaya kung saan nakatira or magpaparehistro)

• FOR CORRECTIONS OF NAME & BIRTHDATE
✅ Birth Certificate

• FOR CORRECTION OF MARITAL STATUS
✅ SINGLE TO MARRIED - Marriage Certificate
✅ MARRIED TO SINGLE - CENOMAR
✅ MARRIED TO WIDOWED - Death Certificate

***ACCEPTED VALID ID's ***
1. National ID
2. NBI Clearance
3. Philhealth ID
4. Postal ID
5. Philippine Passport
6. Driver's License
7. PRC License
8. TIN ID
9. PWD ID
10. UMID ID
11. School ID
12. Senior Citizen ID
14. Seaman's Book

HINDI PO TINATANGGAP NA ID:
1. Police Clearance
2. Cedula
3. Brgy. ID
4. Brgy. Certificate
5. Company ID

Note: Magdala din po ng zerox o photocopy ng mga requirements na nabanggit.



07/04/2026

Address

Sariaya
4322

Telephone

+639389487618

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sigla at Saya Talaan Aplaya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sigla at Saya Talaan Aplaya:

Share