28/10/2015
Ang mamamayan po kasama ng Sangguniang Barangay ng Bignay I ay taos pusong nagpapasalamat sa proyektong Farm To Market Road na ipinagawa ng ating Minamahal at Iginagalang ng Kongresman ng 2-Distrito ng Quezon wala pong iba si Cong. Vicente " Kulit " J. Alcala. Ang proyekto ay isa lamang sa proyekto ng ALCALA Subok Na sa pamamagitan ng " Daang Matuwid, Proyekto'y walang patid ". Nitong nakaraang lunes petsa Oktubre 26, 2015 ay pormal pong pinasiyaan ang pagbubukas ng nasabing kalsada sa pangunguna ng ating ni Cong. Alcala at sa bendisyon ni Father Arnel Galeon. Ang proyektong FMR na ipinagawa ni Cong. Kulit Alcala ay malaking tulong para mamamayang Brgy. Bignay I lalo na sa mga taga Sitio Antipolo na siyang pangunahing benepisyaryo sapagkat ang nasabing lugar ay isa sa mga may malaking kontribusyon at taniman ng mga gulay na dinadala sa Sentrong Pamilihan at sa karatig lalawigan lalo sa kamaynilaan.