02/05/2026
MAHALAGANG ANUNSYO
Alinsunod sa Kapasiyahan Blg. 1, Serye 2026 na pinagtibay noong ika-30 ng Abril, 2026 ng Pambayang Liga ng mga Barangay, PNP, at DILG, ang Sangguniang Kabataan ng Sampaloc Bogon ay naglalabas ng mga sumusunod na alituntunin:
1. Pagbabawal sa mga Pasayaw
Mahigpit na ipinagbabawal at hindi pinapahintulutan ang anumang uri ng pasayaw sa barangay na may kaugnayan sa pagdiriwang ng piyesta. Ito ay bahagi ng "Strict Enforcement of Ordinances" sa buong 43 barangay ng Sariaya.
2. Suspensyon ng mga Paliga (Sports League)
Batay sa Memorandum No. 2026-35, ipinapatupad ang agarang suspensyon (Immediate Suspension) ng lahat ng on-going at paparating na Sports League o paliga kung ang gagamiting pondo ay mula sa Barangay o SK.
3. Paggamit ng Videoke at Amplified Audio
Alinsunod sa DILG Memorandum Circular 2026-029, magkakaroon ng mahigpit na regulasyon sa paggamit ng:
• Videoke machines at iba pang pampalakas ng tunog (amplified audio devices).
• Pagsunod sa itinakdang Curfew Hours sa ating bayan.
Hinihikayat ang lahat na sumunod sa mga kautusang ito upang maiwasan ang anumang abala o kaukulang parusa. Ang mga hakbang na ito ay para sa kaayusan at katahimikan ng ating komunidad.
Maraming salamat sa inyong kooperasyon!