12/06/2026
Hunyo 11, 2026/๐ข๐๐ง๐-๐ง๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐๐ ๐ข๐ก๐ฌ ๐ข๐ ๐ก๐๐ช๐๐ฌ ๐๐๐๐๐ง๐๐ ๐๐๐จ๐ ๐ข๐๐๐๐๐๐ฅ๐ฆ
Isang makabuluhan at makasaysayang gawain ang isinagawa sa Kiling Elementary School sa pamamagitan ng Oath-Taking Ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng iba't ibang samahan at organisasyon na lumahok sa naganap na School Club Fair.
Pinangunahan ni Maโam Folrenda C. Arceo, School Principal, ang panunumpa sa tungkulin ng mga nahalal na opisyal. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pamumuno, pananagutan, at pagiging huwaran sa kapwa mag-aaral upang higit na mapaunlad ang mga organisasyon sa paaralan at maisulong ang kultura ng pakikilahok at paglilingkod.
Ang School Club Fair ay nagsilbing daan upang maipakilala ang iba't ibang samahan sa paaralan at mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na malinang ang kanilang mga talento, kakayahan, at pamumuno. Sa pamamagitan ng halalan at panunumpa ng mga opisyal, mas pinagtitibay ang kanilang tungkulin sa pagpapatupad ng mga programang makatutulong sa kapakanan ng mga mag-aaral at ng buong paaralan.
Binabati ng Kiling Elementary School ang lahat ng mga bagong halal na opisyal. Nawaโy maging inspirasyon kayo sa inyong mga kapwa mag-aaral at magampanan ninyo ang inyong mga tungkulin nang may integridad, dedikasyon, at malasakit.
๐ ๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐๐น๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น! ๐๐