02/11/2025
Gina abisuhan ang tanan nga pumuluyo nga magpreparar kag mag alerto SA paabot nga BAGYONG TINO...
πππ πππππ πππππ ππππ ππππππππ πππ πππππ
1. Putulin ang mga sanga ng kahoy na malapit sa bahay at linya ng mga kuryente.
2. Lagyan ng mga tali o pabigat ang atip/bubong para hindi ito madala ng hangin.
3. Isarado at lagyan ng harang ang mga bintana at pintuan.
4. Ihanda ang Emergency Go Bag o Emergency Balde na may lamang pagkain, tubig, damit, first aid kit, flashlight, at mga mahahalagang dokumento.
5. Linisin ang mga kanal sa paligid ng bahay upang hindi ito magdulot ng baha.
6. Ilagay sa ligtas na lugar ang mga hayop at sasakyan, kung meron man.
7. Alamin ang lugar kung saan ang pinakamalapit na evacuation center. Kung kinakailangang mag-evacuate, gawin ito nang maaga habang hindi pa nananalasa ang bagyo.
8. Unahin sa paglikas ang mga senior citizen, may sakit, PWDs, buntis, at mga bata.
9. I-charge ang inyong mga cellphone, power bank, flashlight, solar light, at transistor radio.
10. Ang mga nakatira malapit sa ilog, creek, at landslide-prone areas ay kaagad nang mag-evacuate.
11. Alamin sa inyong lugar kung saan ang inyong evacuation center.
12. Makinig at sundin ang mga advisory mula sa mga ahensiyang nangunguna sa atin.
Patuloy po tayong mag-ingat at maging alerto!