30/06/2026
🌱 Masaganang Ani ng mga Partner Beneficiaries sa Brgy. Sasaba, Santol, La Union 🌱
Unang Harvest ng Project BINHI!
Isang makabuluhang tagumpay ang naitala ng mga partner beneficiaries ng Brgy. Sasaba, Santol, La Union matapos nilang maani ang 50 kilo ng Baguio beans mula sa kanilang Project BINHI.
Ang masaganang unang ani na ito ay bunga ng kanilang sipag, tiyaga, at pagtutulungan sa pangangalaga ng kanilang taniman. Patunay ito na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at dedikasyon, unti-unting nakakamit ang layunin ng programa na mapalakas ang seguridad sa pagkain at mapabuti ang kabuhayan ng mga benepisyaryo.