21/08/2026
𝗧𝗢𝗠𝗔𝗦𝗜𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗞𝗢𝗟𝗔𝗥, 𝗛𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗧𝗨𝗡𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗟𝗜𝗟𝗜𝗬𝗔𝗕 𝗡𝗔 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦! 🔥
Matagal nang nagbabaga ang mga panawagan. Matagal nang nag-iipon ng ningas ang mga sigaw na tumututol sa bulagsak, ganid, at pasistang sistema. Oras na upang pagsama-samahin ang mga ningas na pinanday at gawing isang nag-aalab na apoy.
Hindi na ito panahon para magpakulong sa apat na sulok ng pamantasan at magbulag-bulagan sa reyalidad ng lansangan. Lisanin ang mga nabubulok na silya dahil panahon na upang tayo mismo ang magpaapoy para sa edukasyong tunay, para sa sapat na pondo, makataong kalagayan at karapatan, at sistemang pilit na inaapula ng mga ganid at pasista.
Tomasinong Iskolar ng Bayan, bilang huling sindi ng paanyaya, nawa'y bumalikwas ang lahat at magsilbing kaisang ningas tungo sa mas nagliliyab na bukas. Bawat sigaw, bawat kamao, bawat hakbang, at bawat panawagan, lumikha tayo ng apoy ng kasaysayan na magiging legasiya ng bawat Iskolar sa ating Sintang Paaralan.
𝗠𝗔𝗚𝗦𝗜𝗡𝗗𝗜. 𝗠𝗔𝗚𝗡𝗜𝗡𝗚𝗔𝗦. 𝗠𝗔𝗚𝗟𝗜𝗬𝗔𝗕.
𝗦𝘂𝗺𝗮𝗺𝗮 𝘀𝗮 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗦𝗲𝗺 𝗙𝗶𝗴𝗵𝘁 2026! 🔻
🪑: August 22, Bukas | 4:00 PM
🪑: Mass Up: New Building 4th Floor
𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗜𝗡𝗚𝗔𝗦, 𝗜𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡! ✊🏼

🪑: With Cultural Performances from Mozart’s Guild and Teatro Batangan
𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗜𝗡𝗚𝗔𝗦, 𝗜𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡! ✊🏼