14/06/2026
Mainit na pagbati kay Liam Thaddea Canta Paglicawan sa kanyang pagkamit ng korona bilang Miss Eco Queen 2026.
Taglay mo ang karangalan at inspirasyong hatid ng iyong ganda, talino, tapang at adbokasiya para sa kalikasan. Ang iyong pagsusumikap at dedikasyon ay nagsilbing liwanag hindi lamang para sa iyong sarili kundi para rin sa buong Barangay San Rafael at Lungsod ng Sto. Tomas na buong pusong sumuporta sa iyo.
Muli, isang pagbati mula sa ating butihing Punong Barangay, Kapitan Dennis "Paloy" Lumbres, sa buong Sangguniang Barangay ng San Rafael at mga functionaries.