16/09/2026
Mahigit 100 Barangay Tanod mula sa 30 barangay ang nagtipon noong Setyembre 8 para sa ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ฐ๐ถ๐๐ ๐๐๐ถ๐น๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฒ๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฟ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ง๐ฎ๐ป๐ผ๐ฑ๐: โ๐๐บ๐ฝ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ง๐ฎ๐ป๐ผ๐ฑ๐ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐ฆ๐ฎ๐ณ๐ฒ๐ฟ ๐๐ผ๐บ๐บ๐๐ป๐ถ๐๐ถ๐ฒ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฅ๐ฒ๐ณ๐ฟ๐ฒ๐๐ต๐ฒ๐ฟ ๐ผ๐ป ๐๐ต๐ฒ๐ถ๐ฟ ๐๐๐ป๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป๐.โ
Layunin ng pagsasanay na higit pang palakasin ang kanilang kaalaman, kasanayan, at kahandaan sa pagtupad ng tungkulin bilang katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa lungsod.
Tinalakay ang mahahalagang paksa tulad ng lawful apprehension, warrantless arrest, physical arrest techniques, fire safety, first aid, at emergency response.
Sa patuloy na pagbibigay ng training at capacity building, pinagtitibay ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan (AJAM), kasama sina Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, kaagapay ang Pamunuang Pambarangay, PNP, DILG at CDRRMO ang kahandaan ng mga Barangay Tanod para sa mas ligtas at maayos na bawat pamayanan sa Lungsod ng Sto. Tomas.