18/08/2023
ALMA MATER: Ang Pagbabalik
SERBISYUNG TUNE-Team SK MARVIE MANALESE❤️💙
Ika-18 ng Agosto. Naimbitahan ang team Serbisyung TUNE na pinangungunahan ni SK Marvie Manalese at kanyang mga SK Kagawad sa isang pagtitipon ng mga Supreme Student Government Officers or SSGO mula sa San Matias National high School upang magbigay ng mga mahahalagang punto sa pagiging isang mabuting lider.
Binigyan diin ni SK Marvie, ang kahalagahan ng karanasan ng pagiging lider mula sa kanilang paaralan hanggang sa makatapos sila.
Ayon pa sa kanya, may mga bagay na dapat taglayin ang isang mamumuno sa paraang pagbibigay ng kahulugan sa salitang LEADER.
L-ayunin
E-spesyal
A-ktibo
D-edikasyon
E-ksperto
R-esponsable
Samantala, nagbigay din ng mga mahahalagang mensahe ang kasama niyang SK Kagawad aspirants na sina Jasper Colis, Arvie Villa at Maritoni Reyes na naging lider din ng nasabing paaralan.
Dagdag pa rito, ipinaabot din ng adviser ng SSG na G. Arjen David ang kagustuhan na magkaroon na matibay na ugnayan ang SSG at Sangguninang Kabataan hinggil sa mga programa at proyektong maaaring maisagawa.
Bilang panghuli, taos pusong pinasalamatan ng team Serbisyung Tune ang adviser ng SSG at SSGO para sa pagkakataon na kanilang inilaan.
“ABE-ABE KING KRUSADANG MASALESE.”
SERBISYUNG TUNE