03/02/2026
𝗞𝗜𝗕𝗜𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠: 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗬𝗔𝗡
𝘗𝘏𝘐𝘓𝘚𝘠𝘚 𝘙𝘌𝘎𝘐𝘚𝘛𝘙𝘈𝘛𝘐𝘖𝘕, 𝘊𝘖𝘙𝘙𝘌𝘊𝘛𝘐𝘖𝘕, 𝘈𝘛 𝘗𝘚𝘈-𝘊𝘙𝘚 𝘔𝘖𝘉𝘐𝘓𝘌 𝘖𝘜𝘛𝘓𝘌𝘛, 𝘐𝘏𝘈𝘏𝘈𝘛𝘐𝘋 𝘚𝘈 𝘚𝘛𝘖. 𝘕𝘐𝘕̃𝘖
Inaanyayahan ang publiko sa PhilSys ID Registration at Correction, kasabay ang PSA-CRS Mobile Outlet, na gaganapin sa Pebrero 23, 2026 (Lunes), mula 8:00 AM hanggang 3:00 PM, sa Municipal Gymnasium.
Sa araw na ito, maaaring mag-request at makakuha agad ng mga sumusunod na PSA documents:
• Birth, Death, at Marriage Certificates – ₱155.00
• CENOMAR / CENODEATH – ₱210.00
Ang serbisyong ito ay bahagi ng 𝘒𝘐𝘉𝘐𝘕 𝘗𝘙𝘖𝘎𝘙𝘈𝘔 ni Mayor Andrew Vincent AV Roxas Pagurayan, na layong iuwi sa ating bayan ang mahahalagang programa at serbisyo ng pamahalaan upang hindi na kailangang bumiyahe pa ng malayo ang mga taga-Sto. Niño, makaiwas sa dagdag-gastos sa pamasahe, at mas mapadali ang pagkuha ng mga kinakailangang dokumento.
Isang konkretong hakbang ito tungo sa mas abot-kamay, episyente, at makataong serbisyo publiko para sa bawat taga-Sto. Niño.