19/08/2025
SA BAWAT LISTAHAN, MAY KONTEKSTONG DAPAT UNAWAIN
Mas mainam kung lilinawin natin ang konteksto ng inilabas na pahayag. Hindi po lahat ng mayors sa bansa ay kasama doon - ANG PINAPIRMA LAMANG AY YUNG MGA LOKAL NA PAMAHALAAN NA NAKATANGGAP NG INIIMBESTIGAHAN NA FLOOD CONTROL PROJECTS. Kaya kung wala ang pangalan ng isang mayor sa listahan, ibig sabihin ay hindi saklaw ng kasalukuyang isyu o proyekto. Kung mapapansin nyo ay iisa lang ang Mayor ng Cagayan na nakapirma.
Sa mga ganitong pagkakataon, mas mahalagang pairalin ang tamang impormasyon kaysa mabilis na pagbibigay ng puna. Kung pulitika ang nangingibabaw, nawawala ang tunay na diwa ng transparency at accountability na siyang layunin ng pahayag.
Ang hamon sa ating lahat ngayon ay hindi ang magbanggit kung sino ang kasama o wala, kundi ang sama-samang maghanap ng mas malinaw na direksyon upang mapabuti ang flood management at disaster preparedness sa buong bansa.
Sa huli, ang tunay na sukatan ng pagiging mulat na mamamayan ay hindi sa bilis ng pagpuna, kundi sa husay ng pag-unawa. At sa bawat pagkakataon, tandaan: MAS MABIGAT ANG TINIG NG TAMA KAYSA INGAY NG HAKA-HAKA.
Monique Talbo Salamat po sa inyong malawak na pang-unawa.